Magbubukas ng mga windows sa mga embassies, para sa selection, formation atrecruitment ng mga dayuhan. Protocol agreement sa pagitan ng mga Minitsry of Labor at Foreign Affairs ng mga bansa.
Roma -Abril 11, 2012–Ang Italya ay magbubukas ng window sa ibang bansa para sa selection, formation at recruitment ng mga dayuhang manggagawa. Ito ay magkakroon ng special channel upang makarating sa bansang Italya, na lalampasan ang ‘swerte’ ng direct hire.
Ito ang direksyon ng protocol agreement na pinirmahan noong katapusan ng Marso ngForeign Ministry at ngMinistry of Labor, na magpapahintulot sa Ministry of Labor na magbukas ng isang hiwalay na tanggapan (UCL – Local Coordination Offices) sa ilang embassies. Sila ang gagawa ng mga pangunahing hakbang ng mga kasunduan sa imigrasyon sa pagitan ng Italya at ng ibang bansa,at bilang kapalit sa paglaban sa iligal na imigrasyon, ang Italya ay magbibigay ng mga specific programs at mga regular entries.
May mga kasunduang napirmahan nang ilang bansa tulad ng Egypt, Albania, Moldova at Sri Lanka, at kasalukuyang tinatapos naman ang mga kasunduan sa mga bansang Bangladesh, Ghana, Morocco, Tunisia at Peru; ang ibang nakatakdang bansa ay ang India,China, Ecuador, Philippines at Ukraine. Tulad ng mababasa sa isang note verbal ng Ministry o Labor, ang mga UCL ay dapat na “makipag-ugnayan sa mga concerned offices at local employment agency upang mapadali ang pagtugon sa mga demands at offers ng trabaho sa Italya.”
“Ang mga tanggapang ito – paliwanag pa sa Via Fornovo -ay dapat na magpadali sa pagsasakatuparan ng mga pre-departure programs alinsunod salocal authority at formation institutions. “Sila ay dapat magbigay ng mga technical support sa mga counterparts at gumawa ng mga listahan ng mga interested parties upang magtrabaho sa Italya batay sa pangangailangan ng merkado at mga pamantayan na itinakda ng Ministry of Labour at Social Welfare sa Italya”