in

Reddito di autonomia, tulong pinansyal sa mga nangangailangan at mga dayuhan sa Lombardy Region

Sisimulan ang bagong tulong pinansyal para sa mga pamilya, senior citizens at mga walang trabaho. Hindi requirement ang pagiging Italian citizen ngunit kailangang limang (5) taong residente sa rehiyon.

 

Milano, Oktubre 14, 2015 – Walang babayarang ticket sanitario, bonus bebè ng 800 hanggang 1000 euros mula sa ikalawang anak, bonus affitti ng 800 para bayaran ang renta ng apartment, voucher ng 400 euros kada buwan sa loob ng isang taon para sa mga senior citizens at disables at kontribusyon ng 300 euros kada buwan sa loob ng 6 na buwan para sa mga walang trabaho.

Ito ang limang experimental measures ng tinatawag na ‘reddito di autonomia’, na hangad ng Lombardy Region upang matulungan ang sinumang nangangailangan. Inaprubahan kamakailan ng konseho na pinamumunuan ni Roberto Maroni at ito ay ibibigay ng walang pagkaka-iba sa pagitan ng mga Italyano at mga dayuhan (maliban sa pagtatanggal sa ticket sanitario) na limang (5) taon ng residente sa Rehiyon, na magtatanggal ng karapatan sa mga huling nagpatala bilang residente.

Ang layunin ng mga bagong tulong na ito – ayon kay Maroni sa paglulunsad nito – ay mabigyan ng kakayahang pinansyal ang mga mamamayan ng rehiyon na nangangailangan. Naglaan kami ng 50 million euros para sa huling tatlong buwan ng 2015 at 200 million euros naman para sa taong 2016“. Isang halaga na inaasahang tataas kung sa susunod na legge di Stabilità ay magkakaroon ng karagdagang pondo para sa Lombardy.

Ang limang tulong hatid ng “reddito di autonomia” ay magsisimula mula Oktubre hanggang Disyembre. Narito kung paano ito ipinaliwanag sa pamamagitan ng isang ipinakalat na spread sheet sa rehiyon.

ZERO TICKET SANITARIO – Nasasaad ang pagtatanggal sa tinatawag na ‘superticket’para sa mga medical check-ups na nagkakahalaga hanggang 30euros sa mga pamilya na:

  • Kabuuang kita ng pamilya: hanggang 18,000 euros
  • Panahon: simula Oktubre 15, 2015
  • Paano: Self-certification ng kabuuang kita
  • Benepisyaryo (taunan): halos 500,000 pamilya (1.25 milyon katao)

Simula Enero 1, 2016, batay sa pondo, ay ang pagpapatupad sa ‘quoziente familiare’ batay sa french model.

BONUS BEBE’ – Tulong pinansyal ng € 800 para sa ikalawang anak at 1,000 Euros para sa ikatlong anak.

  • ISEE reference: hanggang sa 30,000 euros
  • Panahon: mula sa hatinggabi ng Oktubre 8, 2015
  • Paano: Dapat mag-aplay, matapos ang komunikasyon ng Lombardy Region galing sa ospital kung saan ipinanganak
  • Benepisyaryo (taunan): 26,000 ikalawang anak at 10,000 ikatlong anak at iba pa
  • Requirement: paninirahan sa Lombardy region na hindi bababa sa 5 taon

BONUS AFFITTI – Tulong pinansyal na nagkakahalaga ng € 800, na nakalaan sa mga pamilyang may mahinang socio-economic condition, residente sa Comune kung saan may krisis sa pabahay (155 Comuni)

  • ISEE/FSA Reference (Fondo Sostegno Affitti): sa pagitan ng 7,000 at 9,000 euros
  • Panahon: mula Novembre 1, 2015
  • Paano: Regional public announcement
  • Benepisyaryo (taunan): 6,000 pamilya
  • Requirement: paninirahan sa Lombardy para sa hindi bababa sa 5 taon

ASSEGNO DI AUTONOMIA – Voucher ng €400 kada buwan, sa loob ng 12 buwan, upang magkaroon o mapanatili ang personal autonomy, para sa mga dependent senior citizen at disable na nanganganib ng social exclusion.

  • ISEE reference: hanggang 10,000 euros
  • Panahon: mula Disyembre 1, 2015
  • Paano: Dalawang regional public announcements
  • Benepisyaryo (taunan): halos 1,000 pamilya
  • Requirement: paninirahan sa Lombardy region na hindi bababa sa 5 taon

PROGETTO DI INSERIMENTO LAVORATIVO (PIL) – Tulong pinansyal ng 300 euros kada buwan, sa loob ng pinakamatagal na anim (6) na buwan, upang mapadali ang pagpasok o ang muling pagpasok sa trabaho sa pamamagitan ng mga aktibidad ng oryentasyon, pagsasanay at aktibong paghahanap ng trabaho.

  • ISEE reference: hanggang 18,000 euros
  • Panahon: mula Oktubre 15, 2015
  • Paano: sa tanggapan ng Dote Unica Lavoro
  • Benepisyaryo (taunan): 5,000 katao
  • Requirement: walang trabaho ng higit sa 36 na buwan, na hindi tumatanggap ng anumang karagdagang tulong at nasa mahirap na sitwasyong pinansyal.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Accordo di integrazione – Hindi maaaring manatili sa Italya ang hindi mag-papaaral sa mga anak

Ang buong teksto ng Reporma sa Pagkamamamayan