Naglunsad ang Lega Nord ng isang petisyon upang maisalba ang krimen ng iligal na pagpasok at pananatili sa bansang Italya. Kakailanganin ang 500,000 signatures. “Stop the invasion!” Sigaw ni Salvini & Co., kasama ang Forza Italia.
Roma, Hunyo 5, 2014 – Matatandaang ang reato di clandestinità ay umiiral pa rin. Sa ngayon ay mayroon lamang isang batas na humihingi sa gobyerno na gawin itong isang administrative offense sa loob ng 18 buwan.
Gayunpaman, ay hindi ito matanggap ng Lega Nord at isinabay ito bilang isang kampanya sa European election. At sa di inaakalang napakabilis na panahon, ang Carroccio ay nagsulong ng isang referendum na magbubura sa batas na magtatanggal sa krimen ng iligal na pagpasok at pananatili sa bansa.
“Stop the invasion!” Ito ang slogan na ginamit sa paglulunsad ng referendum. “Ang pagtatanggal sa krimen, na sinimulan noong 2009 ni Minister Maroni, ang sinumang iligal na papasok sa ating bansa ay hindi na nanganganib. Dahil dito, isang bukas na pinto sa isang inbasyon sa lipunan at ekonomiya ang hindi mapipigilan, at hindi kakayaning harapin ng bansa”, ayon pa sa partido ni Salvini.
Sa katunayan, kahit tanggalin ito bilang krimen, ang sinumang mahuhuling papasok sa bansa ng walang permit to stay ay nakalaang patalsikin. Tulad ng nangyayari sa kasalukuyan na ipinatutupad ang krimen, na hindi nasasaad ang pagkakabilanggo ngunit isang mapait na multa na walang imigrante ang kakayaning makapagbayad. Ang tanging pagkakaiba lamang sa pagtatanggal ng krimen ay ang kawalan ng penal crime at hindi maituturing na mga kriminal ang mga imigranteng hindi regular.
Ngunit , ayon sa Lega Nord, ang pagbabalik ng reato di clandestinità ay nangangahulugan ng “muling pagtatanggol sa borders ng bansa, pagbabalik ng kaligtasan at legalidad sa ating mga lungsod at pagbabalik ng dignidad sa awtoridad”. Tulad ng “proteksyon sa ating bansa at sa ating mga mamamayan at maiwasan ang malaking halaga sa pagpapahintulot sa mga iligal na manatili sa bansa at nagtatanggal naman sa suporta sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong”.
Ang mga lagda para sa reperendum ay nililikom sa mga itinayong gazebo ng Lega at sa mga munisipyo . Nangangailangan ito ng 500,000 signatures na maghahatid sa mga Italians sa isang botohan kung gugustuhin o hindi ang reato di clandestinità, layuning tunay na napakalayo.
Gayunpaman, ang Lega Nord ay sinusuportahan ng Forza Italia, at ang mga lider ay lumagda na sa referendum. Ang mensahe ay malinaw: matapos ang pagkatalo sa European election, ang partido ni Silvio Berlusconi ay muling nakikipag-kamay sa dating mga kaalyado at kapwa may iisang hangarin at laban: ang pagiging anti-immigrants.