in

Referendum sa Hunyo, nanganganib na di matuloy!!

altSinuspinde ng Gobyerno ng Italya ang programa sa nuclear power, gayun din ang batas upang umpisahan ang konstruksiyon nito. Naghayag din ito ng isang pagmuni-muni sa isa pang batas na magbibigay sa mga pribadong kompanya ng pamamahala sa tubig.

Sa Hunyo, magkakaroon dapat ng dalawang referendums upang buwagin ang mga batas na ito, ngunit sa ngayon ay maaaring makansela ang mga ito.

Ayon sa mga promoters ng nasabing referendums, na kasama ang mga nasa oposisyon, ang pamahalaan ay umatras upang maiwasan diumano nito ang pagkatalo, ngunit  maaaaring imungkahing muli ang kanilang mga plano sa lalong madaling panahon.

Bukod pa dito, ang pagka-kansela ng mga referendums sa nuclear power at tubig, ay maaaring magpawalang gana sa mga mamamayan ng pakikilahok sa referendum laban sa batas ng “legal impediment”, na naka schedule sa parehong araw. Kung hindi bototo ang higit sa kalahati ng mga botante, ang konsultasyon ay mawawalan ng halaga, anuman ang kalabasan nito.

Ang “legal impediment” ay isang batas na magpapahintulot sa prime minister at mga ministers nito na i-postpone ang mga hearing kung saan sila ay mga akusado, kung may mga institutional commitments ang mga ito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Berlusconi: “Ako ay biktima lamang ng mga pang-uusig ng hukom”. Napolitano: “Huminahon kayo…”

ROMULO SALVADOR, bilang isang aktor