in

Refugee status sa sinumang homosexual na inusig sa sariling bansa

Matapos maibigay ang refugee status sa isang Egyptian, isang Iranian at Libyan na pinangunahan ng mga boluntaryo sa Milan ng Progetto Io: “Sa iba pang mga katulad na kaso, kami ay umaasa.” Dell’Amico (Arcigay): “Mga komisyon sa iba’t ibang lugar, mas maingat”

altRome – Sa kanilang sariling bansa ay hindi maaaring ipamuhay ng malaya ang kanilang homosexuality, sila ay nanganganib ng pag-uusig, pagkakabilanggo, maging ang bitay. Ngayon ay maaari silang manatili ng ligtas sa Italya.

Isang matagumpay na pagwawakas sa kuwento ng isang Egyptian, isang Iranian at Libyan na noong nakalipas na buwan ay naghangad ng asylum sa bansa. Ang mga komisyon sa Milan at sa Gorizia ay pinag-aralan ang mga kahilingan at ipinagkaloob sa kanila ang refugee status, na muling nagpapakita na hindi lamang gera at pampulitikang pag-uusig ang mga dahilan upang ibigay ang internasyonal na proteksyon.

Ang tatlong mga kalalakihan ay pinangalagaan ng Progetto Io (“Immigration and Homosexuality“) itinatag sa Milan sa pamamagitan ng Arcigay, Arcilesbica, Ala non-profit organization at iba pang mga organisasyong aktibo sa migrasyon, at mga nangangalaga ng ilang mga ganitong kaso (e-mail progettoio@arcigaymilano.org ). “Ito ang mga resulta na nag-iiwan sa amin ng tiwala upang makamit ang iba pang kaso tulad nito,” sulat ng mga boluntaryo sa isang statement.

“Tinutulungan namin ang mga humihiling ng asylum na isama ang kanilang personal na kasaysayan, kung ano ang dahilan sa paghingi ng proteksyon, isinasa-alang-alang namin ang mga aspeto ng kanilang gender orientation. Pagkatapos ay gumagawa kami ng isang dossier ng kanilang bansang pinanggalingan at ang mga materyales na ito ay ginagamit ng mga territorial Committee upang masuri ang application ng asylum, ” ayon sa isa sa mga tagapamahala ng Progetto Io, Diego Puccio.

Ang mga migranteng homosexuals ay positibo ang direksyon. “Sila ay doble ang laban sa discrimination, bilang migrante at bilang homosexuals. Kung sila ay lantarang mamumuhay ng kanilang pagkatao, nawawalan sila ng suporta mula sa kanilang komunidad, na karaniwang tumutulong sa paghahanap ng trabaho at matitirahan o ng malalapitan sa mga panahon ng pangangailangan. Huwag nang banggitin na anumang nagyayari rito sa Italya ay kaagad nakakarating sa kanilang mga pamilya sa sariling bansa”, paliwanag ni Puccio.

Samakatuwid ang kailangang matagpuan ay ang suporta sa labas ng komunidad. “Ito ay malaki ang inilago sa mga huling nakaraang taon, ang atensyon ng mga asosasyon ng mga migranteng gay, lesbian, bisexual at transgender. Katulad na karanasan sa Milan ng Progetto Io ay lumalaganap sa buong bansa”, ayon kay Giorgio Dell’Amico, ang pinuno ng Arcigay Immigration and Asylum.

Sa katapusan ng buwan, sa Palermo, ay magkakaroon ng isang pagpupulong sa “International protection on gender orientation and identity”, na pinangungunahan ng Network Lenford. Isang tema sa kasalukuyan: “Ang mga komisyon – kumpirma ni Dell’Amico – ay laging nakatuon sa pagsusuri ng mga kaso ng mga homosexuals na tumatakas mula sa pag-uusig sa kanilang bansa. Kapag  malinaw ang sitwasyon, walang pag-aatubiling binibigyan ng refugee status o alternative protection“.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Asylum papers ni Arroyo, handa na

Tomato o Kamatis o Pomodoro “FRUIT OR VEGETABLE”???