in

Refugees bilang mga ‘vigili’ sa Comune di Parma

Inilunsad ng Comune di Parma ang bagong inisyatiba ng integrasyon na nakalaan sa labinlimang mga refugees.  Sila ay makakasama ng mga boluntrayong nonni vigili na may layuning bantayan ang mga batang nag-aaral sa paglabas at pagpasok ng paaralan, partikular ang samahan ang mga ito sa pagtawid ng kalsada, bilang tulong na rin sa vigili urbani sa pagkakaroon ng mahusay na pagdaloy ng trapiko.

Gayunpaman, ayon sa mga ulat, ang opisyal na dahilan ng aksyon ng Comune di Parma at tinanggap naman ng Auser – ang asosasyon na kinabibilangan ng mga matatanda upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan, ay ang kasalukuyang kakulangan ng mga boluntaryo. “Wala ng Italyano na available gawin ito at refugees na ang nire-recruit”.

Ngunit sa katwirang ito ay babalikan ang naging isyu ukol sa mga imigrante: Ginagawa ng mga dayuhan ang trabahong ayaw na ng mga Italians.

Isang bagay na positibo upang makasama rin sila sa araw-araw na takbo ng lipunan. Isang tangible at magandang hakbang tungo sa tunay na integrasyon”, gitt naman ni Welfare Assessor Laura Rossi.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ZUMBATHON at MEDICAL MISSION SA BOLOGNA

Open Chess Tournament, pinangunahan ng GMETCAI sa Roma