Anim na oras tuwing Sabado sa mga parke ng lungsod. Memorandum of Understanding sa Comune: isang responsabilidad at hindi welparismo.
Roma, Marso 9, 2016 – Ang mga refugees ay pananatilihing maayos at malinis ang lungsod ng Turin. Magwawalis, magpupulot ng mga dahon at tatanggalin ang laman ng mga basurahan sa mga parke ng libre.
Ito ang resulta ng ginawang memoramdum of understanding sa pagitan ng Comune at Amiat, ang kumpanyang nangangalaga sa kalinisan ng lungsod. Layunin ay ang panatilihing may ginagawa ang mga refugees (na siguradong ikatutuwa ni Renzi na ayaw makita ang mga refugees sa paligid na nagkakalat lamang) at upang mapahintulutan ang mga ito na gantihan sa pamamagitan ng isang mahalagang serbisyo sa komunidad ang naging pagtanggap sa kanila.
Ito ay boluntaryo, na isasagawa tuwing Sabado ng umaga ng anim na oras ng dalawampung refugees na nakatanggap ng international protection status at kabilang sa proseso ng ‘accoglienza’ ng SPRAR (Sistema di protezione per richiedenti asilo e rifugiati) na pinamamahalaan ng Comune. Kaasama ng mga manggagawa ng Amiat, sila ay magta-trabaho sa lahat ng munisipyo ng lungsod.
Ayon sa bise alkalde Elide Tisi, na nagsulong sa inisyatibo, ay magpapahintulot ito umano sa mga refugees “na suklian ang natanggap na tulong na magiging daan sa bagong buhay malayo sa kanilang sariling bansa na napilitang lisanin”. Ito ay hindi isang Welparismo, kundi responsibilidad.”