in

Regularisasyon: Magkakahalaga ng 3 billion euros kada taon…

Upang labanan ang krisis sa ekonomiya, kinakailangan lamang ng isang normatiba na binubuo ng ilang pangungusap. Nagkakahalaga ito ng higit sa 500,000 euros. Ito ang mungkahi ng Stranieriinitalia.it

altRome – May isang yaman na nakaligtaan si Tremonti, nagkakahalaga ng 3.000.000.000 euros kada taon at maaaring malaki ang maitulong sa Italya upang malusutan ang kasalukuyang krisis. Kailangan lamang ang isang normatiba at ipasok ito sa mga panukala. Ito ay ang regularisasyon ng maraming migranteng manggagawa na sa kasalukuyan ay walang mga permit to stay.

Gaano sila karami? Mahirap tantiyahin, ngunit ang huling kalkulasyon ayon sa Ismu, maaaring higit pa sa 500,000, sila ay larawan ng isang hukbo. Hindi napabilang sa huling Amnesty (Sanatoria) at huling dekreto ng Direct hire, dahil hindi sila mga colf at hindi sila mga mamamayan ng mga bansang may kasunduan sa Italya ngunit nagnanais na makalabas sa isang bangungot at masilayan ang isang bagong pagkakataon.

Ang pagbibigay sa mga ito ng pagkakataong maging regular, ang Italya ay hahandugan ang bansa ng isang makabuluhang halaga na higit sa nais na makuha ng Parlamento sa mga pagbabawas ng expenses ng bansa. Sa regularisasyon ng mga manggagawang migrante ay maaaring hingin, tulad ng ginawa dalawang taon na ang nakalipas, ang isang halaga tulad ng 500.00 euros, na kung kakalkulahin ay aabot na sa 250,000,000 euros.

Ngunit ang tunay na pakinabang ng bansa ay walang dudang ang karagdagang kalahating milyong mga mamamayan na matatawag na bagong taxpayers. Ang Ismu pa rin ang nag-kalkula at tinatayang bawat migrante ay babayad ng isang average amount na 6,000 euro bawat taon bilang tax at kontribusyon. Samakatwid, ang regularisasyon ay maghahatid ng halos 3.000.000.000 € sa bansa kada taon.

“Ang desisyon tulad nito ay magiging isang malaking hakbang patungo sa isang tunay na integrasyon. Malaking pagkakataon sa daan-daang libong mga migrante na naninirahan at nagtatrabaho sa Italya upang maka-ambag sa kapakanan ng kanilang bagong bayan,” ayon kay  Gianluca Luciano, managing director ng publisher na Stranieri in Italia. “Inaasahan namin – pagtatapos pa nito – na ang politika ay magkaroon ng isang imahinasyon at sapat na kaalaman upang samantalahin ang pagkakataong ito”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Lea Salonga, Unang Pinay sa Disney Legend

Libreng plane ticket at 200 euro sa mga kusang-loob na babalik sa sariling bansa (rimpatrio volontario) para sa Emergenza Sbarchi