in

Regularisasyon.”Permit to stay sa mga dinaya!” – Touadi (PD)

“Labanan ang mafia ng pekeng regularisasyon”. Pag-uungkat sa Parlyamento sa Question time.

Roma -28 Enero 2011 – “Kahapon ko isinumite ang mga katanungan para kay Maroni sa kanyang pagsasawalang bahala sa mga pandaraya ng mga organisasyon na nakapinsala ng maraming migrante na naghahangad ng regularisasyon”.

Ito ay inihayag ni Jean-Leonard Touadi, isang mambabatas ng Democratic Party, “ang isyu ay maselan at pinapakita lamang kung paano winawasak ng ‘executive’ ang mga desisyon ng pamahalaan sa mga mahalagang paksa ng imigrasyon.”

“Ang Questura di Roma (Immigration police department) – Touadi sinabi – bukod sa pagkakaroon ng maraming sindikato na may kinalaman sa panlilinlang ng mga imigrante ukol sa pekeng regularisasyon (tulad ng mga huling inaresto sa Roma), ay marami ring reklamo mula sa mga Italyano na walang kinalamang nasangkot sa mga panloloko”.

“Ang pinaka mabigat na katanungan ay tumutukoy sa posisyon ng isang estranghero, na sa pagnanais na maging regular at magkaroon ng permit to stay, ay nagiging awtomatiko ang pagkakaroon ng ‘order of expulsion’ sa pagiging clandestine nito”, pagbatikos pa ni Touadi.

Isang apila mula kay Hon. Touadi para kay Minister Maroni, na mabilis na kumilos sa kaso, at puksain ang panlolokong ito na lumitaw na noong nakaraang taon at patuloy na naglilinlang hindi lamang sa mga estranghero kundi pati sa mga Italyano.

“Isa pa ring mahalagang aksyon para kay Touadi ang pagsunod sa art.18 ng Immigration Act, o ang pagbibigay ng espesyal na permit to stay sa mga dayuhan na lakas loob na nireport ang mga nanloko sa kanila upang makatakas sa karahasan at maging bahagi ng kriminal na organisasyon”, pagtatapos ni Jean-Leonard Touadi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mobilizing OFW Investment towards Agri-based Cooperatives in the Philippines

Click day: development bawat minuto para sa inyo!