Katatapos lamang pirmahan ang 23,000 contratti di soggiorno at mga request of first issuance ng mga permit to stay, ngunit mayroong 13,000 rejected. Ngunit ang malaking bahagi ng mga irregulars na tinaguriang ‘invisible’ ay hindi pa alam kung ano ang magiging destino.
Roma – Abril 17, 2013 – Ang tila paligsahan na Regularization ay malapit nang ibigay ang premyo sa halos 35,000 na mga manggagawang imigrante, pamilya at mga kumpanya na irregular ang naging sitwasyon sa nakaraan. Ngunit 1 sa bawat 3 aplikasyon ay rejected.
Matagal-tagal na rin ang pinaghihintay ukol sa magiging destino ng 134,000 mga aplikasyon na ipinadala noong nakaraang Setyembre 15 hanggang Oktubre 15, upang maging ganap na regular sa pamamagitan ng pinirmahang batas ng administrasyong Monti, batay sa indikasyon ng Parliyamento, bago tuluyang ipatupad ang mabibigat na parusa sa sinumang tatanggap o magbibigay ng trabaho sa mga dayuhang walang angkop na permit to stay. Gayunpaman, 100,000 irregulars ang kasalukuyang naghihintay pa rin sa kanilang kapalaran…
Ang mga imigrante ay nais malaman kung maaari na silang lumabas sa kanilang mga lunga at maging ganap na regular nang walang anumang takot na ma-kontrol at mabigyan ng order of expulsion, matapos ang matagal na panahon ng pagiging undocumented. Kailan pipirma ng contratto di soggiorno at kailan magkakaroon ng permit to stay. Maging ang mga employer ay nais ring makahinga ng maluwag at isiping regular na ang lahat, nang hindi mabibigyan ng anumang multa o ang makulong hanggang 3 taon.
Ano na ang kasalukuyang sitwasyon? Isang report buhat sa Ministry of Interior ang aming ilalathala ang nagpapaliwanag na sa petsang Abril 9, 2013 ay 82.190 application ang nagre-resulta bilang lavorate o nasuri na. Ngunit ang salitang nasuri na ay tila malawak ang kahulugan, na maaaring maglarawan sa iba’t ibang tanggapan na pinagdadaanan ng mga aplikasyon na sumusuri dito tulad ng direzioni territoriali del lavoro, questure at sportelli unici per l’Immigrazione.
Ang datos na tila mahalaga sa kasalukuyan ay ang mga aplikasyon na malapit ng ituring na ‘tagumpay’. 23,000ang pumirma ng contratto di soggiorno at samaktawid ang pinaka-aasam na permit to stay: nangangahulugan na trabaho at ang pananatili ng worker sa Italya ay regular na. Samantala, 13,000 naman ang mga aplikasyong rejected dahil sa hindi pagkakaroon ng mga requirements. Kasalukuyang hindi pa alam ang mga kadahilanan: kung ang pagbabayad ba ng contributi arretrati o ang katibayan ng pananatili sa Italya simula 2011, dalawa sa mga itinuturing na mabigat na requirements ng nagdaang Regularization.
Samantala, kailangan ding subaybayan ang halos 10,000 mga aplikasyon na nagre-resulta “in fase di integrazione”. Sa katunayan, ay maaaring lumabas ang maraming pagtanggi o reject kung ang mga employer at mga worker ay hindi dadalhin ang mga karagdagang dokumentasyon sa Sportello Unico per l’Immigrazione na kinakailangan upang matanggap ang mga aplikasyon. Dito, ang patunay ng pananatili sa Italya ay malaki ang magagawa upang maging positibo ang regularization.
At ang mga di-kabilang sa nabanggit ay kailangang maghintay? Dagdagan ang pasensya, dahil tunay na ‘marami’ ang kinakailangan. “Dito sa Milan, ay kasalukuyang sinusuri pa rin ang mga aplikasyon ng Sept 15 hanggang Sept 30, at alam nating lahat na ang karamihan ng aplikasyon ay dumating ng Oct 15”, paliwanag ni Maurizio Bove, ang responsabile sa Imigrasyon ng Cisl Meneghina. At habang tumatagal ang paghihintay, ay tumataas ang tension at pananabik ng mga nagnanais maging regular.
“Ang kasiguruhan ng pagkakaroon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione, kung ang page-empleyo o hiring ay hindi magpapatuloy ay nag-kalma sa nakakarami. Ngunit nananatili – paalala rin ni Bove – ang takot ng mga aplikante ukol sa patunay ng pananatili sa bansa, na kasalukuyang walang pantay na panuntunan: ang ilan, halimbawa, ay tinatanggap ang deklarasyon ng duktor ng mga inaalagaang matanda, ang iba naman ay hindi”.
Kasalukuyang sitwasyon ng Regularization 2012 buhat sa Ministry of Interior
Sa petsa ng Abril 9, 2013, ay nasuri ang 82.190 aplikasyon at nahati ng ganito:
– 23.255 ang natapos na – pumirma ng contratto di soggiorno at ng request ng unang permit to stay
– 10.817 – ang mga mayroong appointment o convocazione
– 9.746 – ang mga may karagdagang dokumentasyon
– 13.417 – tinanggihan o rejected
– 183 – umatras na mga employer
– 24.772 – mayroong positibong opinyon buhat sa DTL at ng Questura at nakalaang bigyan ng appointment