TAR Liguria Verdict No. 201201176 ng 20/09/2012 – Tinanggap ang apila laban sa pagtanggi sa aplikasyon ng regularization o sanatoria 2009 dahil sa paglabag ng employer sa pagreregular ng isang colf lamang ay hindi dapat makaapekto sa manggagawa.
Roma, Dis 5, 2012 – Ang Regional Administrative Court (TAR) ng Liguria, sa hatol bilang 201201176, ay tinanggap ang apila ng isang dayuhan laban sa pagtangging bigyan ng working permit (nulla osta) ng Sportello Unico per l’Immigrazione ng Genova ang manggagawa matapos ang kahilingan ng regularization ng employer.
Sa pagsusuri ng mga dokumentasyon, ay tinanggap ng mga hukom, sa kabila nang pagsusumite ng employer ng dalawang aplikasyon na ipinagbawal ayon sa regulasyong itinalaga ng Regularization 2009, na ang nasabing di pagsunod ng employer ay hindi dapat makaapekto sa sitwasyon ng manggagawa.
Samakatuwid ay pinawalang-bisa ng TAR ang pagtanggi ng Sportello Unico at ipinapaubaya sa Public Administration ang pagsasara ng kaso, maaaring bigyan ng permesso per attesa occupazione batay sa artikulo 22, 11 ng d.lgs.