in

Regularization: 6 na buwang ‘arretrati’ para sa permesso di soggiorno per attesa occupazione

Ito ang minimum tax at kontribusyon na hinihingi ng batas kung ang regularization ay hindi magtutuloy dahil sa katayuan ng employer. Ang opinyon ng State Legal Adviser. 
 

Rome – Marso 14, 2014 – Marami ang tila naligaw sa Regularization 2012. Marami pa rin ang kasalukuyang naghihintay ng resulta at nawalan na ng trabaho ngunit nai-sumite ang aplikasyon o ang aplikasyon ay tinanggihan dahil sa kakulangan sa requirements ng employer tulad ng di sapat na sahod. 
 
Noong nakaraang taon, ang pamahalaan sa pamamagitan ng decreto legge 76/2013 ay sinabing “sa kasong ang aplikasyon ay tinanggihan dahil sa hindi kwalipikado ang employer, sa worker ay maaaring ipagkaloob ang “permesso di soggiorno per attesa occupazione”, kung mapapatunayan ang pananatili sa Italya simula 2011 at nabayaran ang kontribusyon na 1,000 euros at nabayaran din ang lumipas na buwis, kontribusyon at sahod (arretrati) na nasasaad sa batas ng regularization (D.lgs 109/2012).

 
Ang mga ito ay ang tinutukoy na “kabuuan” na binanggit sa talata 5 ng artikulo 5 ng D.lds 109/2012. Ngunit ito ay makikitang nabanggit sa dalawang magkaibang paraan na nagiging sanhi ng pagkalito: una ay ang “kabuuang buwis, kontribusyon at sahod na dapat bayaran ng employer ay katumbas ng 6 na buwan”, at ikalawa ay "ito ang kabuuang dapat bayaran para sa panahong ipinag-trabaho na higit sa 6 na buwan”. Dalawang bagay na nagbibigay ng kaguluhan. 
 
“Gayunpaman, ang pagbibigay ng mga prefecture ng permesso di soggiorno per attesa occupazione hanggang sa kasalukuyan ay iba-iba ang pamamaraan. Ang ilan, ay humihingi ng 6 na buwang lumipas na buwis, kontribusyon at sahod o ang minimum na hinihingi ng batas. Ngunit ang ilan ay naghihintay na bayaran ang buong lumipas na panahon at ito ay tunay namang napaka-bigat”, paliwanag ng Sportello Legale del Naga sa Milan. Ang asosasyon ng mga boluntaryo ay sinusubaybayan ang maraming dayuhang lumahok sa nakaraang regularization at samakatwid, ay humingi sa Ministry of Interior ng angkop, malinaw at tumpak na interpretasyon sa nasusulat. 
 
Ang head office ng Department of Immigration and Asylum ay ipinadala ang isyu sa State Legal Adviser at nakatanggap ng paglilinaw ukol dito. “Bilang nabanggit na mataas na opinyon  at sa kawalan ng kautusan mula sa hukuman – isinulat ni director Malandrino – ang worker ay maaaring magkaroon ng permesso di soggiorno per attesa occupazione, kung mapapatunayan ang pagbabayad sa lahat na buwis, kontribusyon at sahod na dapat bayaran, katumbas ng anim na buwan”. 
 
 
 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Notice of Registration and Election to All Filipino Citizens

Direct hire, sisimulan ang pagsusuri sa trabaho ng mga migrante