Anim bawat sampung aplikasyon ng Regularization ang maituturing na tapos na, ngunit karamihan ng mga tinanggihan ang magkakaroon ng permit to stay per attesa occupazione. Narito ang pinakahuling ulat ng Ministry of Interior.
Rome – Nobyembre 28, 2013 – 70,000 bagong mga regular jobs at samakatwid mga bagong permesso di soggiorno per lavoro subordinato holders. Ito ang pinakahuling report ukol sa Regularization 2012 na ibinigay ng Ministry of Interior sa Stranieriinitalia.it na updated ng Nov 25. Maituturing na halos final report kung isasaalang-alang na sa 135,000 application na isinumite sa pagitan ng Setyembre at Oktubre ng nakaraang taon, ay nai-proseso ang halos 122,000, o ang 90% ng kabuuang bilang.
Simulan natin sa mga positibong aplikasyon; 70,000 ang mga aplikasyong maituturing na tapos na, pati ang pagpirma sa contratto di soggiorno at ang request ng first issuance ng permit to stay ng worker. Tinatayang 58% ng kabuuang bilang ng mga aplikasyon ang nai-proseso na hanggang sa ngayon, bilang na hindi maituturing na collective regularization: at ang bilang na dokumentado noong 2011 sa Italya, ang buwis ng 1000 euros, ang kontribusyon ng 6 na buwan at ilang mga requirements na hiningi ng Regularization ay nadama at tila naging pabigat sa mga irregulars.
Ang mga tinanggihang application ay umabot sa 19 000, 16 % ng kabuuan, ngunit 3000 lamang ng mga ito ang may final order. Dito ay kabilang ang mga dayuhan na hindi nagtagumpay dahil sa kanilang mga employers halimbawa ang kakulangan sa kailangang kita ng mga ito o dahil sa naging pag-atras matapos isumite ang aplikasyon.
Sa mga ganitong kaso, kung nabayaran ang 1,000 euros at bayad rin maging ang kontribusyon at sahod sa nakalipas na buwan, at napatunayan ang pananatili sa bansa sa taong 2011 ay hindi mananatiling undocumented. Salamat sa isang panukala ng gobyerno noong nakaraang Hunyo, ay maaari, sa katunayan, ang magkaroon ng isang taong permesso di soggiorno per attesa occupazione na maaaring mai-convert sa isang permesso di soggiorno per lavoro kung magkakaroon ng trabaho.
Bilang pagtatapos , 26 % ng mga aplikasyong nasuri na ay hindi alam kung ano ang magiging direksyon. Ang mga Sportelli Unici per l’Immigrazione, sa katunayan, ay nagpadala ng 16,000 na mga appointments sa mga employers at workers at matapos silang sumagot sa tawag na ito ay muling susuriin ang mga dokumentsayon at malalaman kung magiging matagumpay o hindi. Tulad rin ng 16,000 na mga aplikasyon na hinihingan ng karagdagang dokumentasyon.
Regularization 2012
Kabuuang bilang ng mga aplikasyon: 134 768 .
Kabuuang bilang nng mga nasuring aplikasyon : 121,515
Detalye:
– 69 991 maituturing na tapos na, pati ang pagpirma sa contratta di soggiorno at request ng first issuance ng permit to stay;
– 15,894 mga tinawag para sa appointment;
– 15,841 hiningan ng mga karagdagang dokumentasyon;
– 19 348 tinanggihan kung saan 2777 may final order ;
– 441 mag aplikasyong inatras.
Updated 25/11/2013 . Source: Ministry of Interior