in

Regularization: Hindi kabilang ang mga self-employed

USB Migranti: "Ang sinumang walang subordinate contract ay maaaring sisihin ang sarili sa kanilang katayuan. Higit na impormasyon upang maiwasan ang mga panloloko”

Roma -Setyembre 5, 2012 – Ang mga itinalaga ng dekreto para sa regularization ay “nagsasara ng pinto sa daan daang mga mangaggawang dayuhan tulad ng mga self-employed, ang mga street vendors o ambulanti”.

Ito ang ipinahayag ngang 'Unione Sindacale di Base Migranti’, kasama ang mga asosasyon ng mga migrante, anti-racist movement, at mga kilusan para sakarapatanngpabahay ay naglunsad ng isang “malawakang kampanya sa buong bansa” para sa mga migrante, mga pamilya, mga pensyonado at mga walang trabaho.

"Ang lahat na walang kontratasa trabaho–paliwanag pa ng unyon–ay dapat sisihin ang kanilang ng mga sarili dahil sa kasalukuyang ‘status’. “Lahat ng ito sa panahon ng matinding krisis sa ekonomiya at habang ang lipunan ay mayroong 3 milyong walang hanapbuhay samantalang ang mga newly hired naman (na sa katunayan ay kakaunti lamang) ay nahaharap sa isang uri ng pansamantala at walang katiyakang kontrata (precari): walo bawat sampung newly hired. Sa madaling salita, isang uri ng discrimination at isang tila parusa para sa mga dayuhang manggagawa”.

Kahapon ng hapon ang USB ay nag-organisa sa Turin ng isang pagpupulong ukol sa regularization at ilang inisyatiba sa Vicenza, Naples, Bologna, Rome, Reggio Calabria, Pisa, Bergamo, Milan, Bari, Lecce, salerno at ilan pang mga lungsod sa Italya.

"Inilunsad namin ang kampanyang ito–ayon kay SoumahoroAboubakar, ang responsible sa imigrasyon ng USB–upangmaiwasangmaulit ang pandaraya sa mga migrante sa nakaraang regularizationnoong 2009, na naging malaking halaga ang kapalit sa mga panloloko at mga panlilinlang sa mga migrante mismo".

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mamahaling bag na naglalaman ng P 2.4 milyon, isinauli ng janitor

Inps – “Mahalaga ang gawing regular ngunit mas mahalaga ang panatilihing mayroong trabaho”