in

Regularization: Huling panawagan sa pagkakataong ibinigay sa mga employer

Ang sinumang nagbayad ng 1,000 euros hanggang noong nakaraang Oct 15 na hindi naman ipinadala ang aplikasyon online, ay binibigyan ng pagkakataong tapusin ang proseso o ang ipadala ang mga ito online hanggang Jan 31.

Rome –Enero 25, 2013 – Huling panawagan para sa nakaraang Regularization. Ito ay para lamang sa mga pamilya at kumpanya na hanggang noong nakaraang Oct 15 ay nagbayad ng 1,000 euros bilang kontribusyon, ngunit hindi naman naipadala ang aplikasyon online.

Ilang daan din ang mga kaso tulad nito. At ang kanilang ibinayad, tulad ng paliwanag noong nakaraang Disyembre ng Ministry of Interior “ay maaaring tanggapin bilang pagnanais ng employer na gawing regular ang employment ng dayuhan”.

Samakatwid, ang sinumang nasa ganitong sitwasyon, ay binibigyan ng pagkakataon upang matapos ang proseso o ang i-fill up ang aplikasyon at ipadala ito online hanggang Jan 31, 2013. 

Kahit sa pagkakataong ito, ay gagawin lahat online sa pamamagitan ng website https://nullaostalavoro.interno.it. Upang makapasok sa sistema, kailangang ilagay sa ‘mail utente’ ang fiscal code o codice fiscal o ang partita IVA ng employer na ginamit sa f24 sa pagbabayad ng 1,000 euros na kontribusyon. Samantala ilagay naman sa ‘password’ ang numero ng dokumento ng worker na ginamit pa rin f24.

Matapos makapasok sa sistema, kailangang i fill up ang angkop na form: EM-DOM para sa mga domestic jobs at EM-SUB naman para sa ibang sektor at ipadala ito.

Paalala na ang pagkakataong ito ay para lamang sa mga employer na nagbayad ng 1,000 euros hanggang noong nakaraang Oct 15, 2012 at ang Regularization ay ganap ng tapos. Bukod dito, ang necessary code upang gawin ang pagbabayd ng 1,000 euros ay tinanggal na ng Agenzia dell’Entrate, at ang pagbabayad ay hindi na posibleng matanggap at upang maiwasan din ang anumang uri ng panlilinlang sa mga undocumented.

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Geraci (Simm): “Ang susi ay inclusion”

COMELEC, tinanggal sa official voters list ang 238,557 ofws