Aplikasyon online, kontribusyon gamit ang F24, 20,000 to 30,000 euros ang hinihinging sahod ng mga employer. Ilang araw ang publication ng Implementing rules.
Roma – Agosto 28, 2012 – Tinatapos ang huling bahagi ng Regularization. Halos handa na at nakalaaang ilathala sa mga susunod na araw ang Interministerial decree na nagsasaad ng mga detalye sa prosedura ng Regularization na sisimulan ng Setyembre 15.
Kumpirmado rin na ang mga aplikasyon ay ipapadala online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior, tulad noong 2009. Sa electronic form ay ilalagay ang pangalan ng employer at ng worker, ang mga impormasyon ukol sa kontrata at ang self-certification ukol sa kita gayun din ang tatlong sunod-sunod na buwang trabaho na kinakailangan upang simulan ang pamamaraan.
Karagdagang impormasyon ukol sa pagbabayad ng kontribusyon ng isang libong euro ay gagawin gamit ang angkop na form “F24 versamenti con elementi identificativi” na ilalathala sa website ng Agenzia dell’Entrate, ng Inps, ng Ministry of Interior at sa kasong hindi tanggap ang aplikasyon ang kontribusyon ay hindi na maibabalik pa sa aplikante.
Upang mai-regularize ang isang manggagawa, ang employer (maaring isang tao o isang kumpanya) ay kailangang patunayan ang kita o ang income na hindi bababa sa 30,000 euros. Nakalaan rin ang isang ‘discount’ sa sinumang ire-regularize ang domestic workers: 20,000 euros kung nag-iisa lamang sa buhay at 26,000 euros naman kung hindi. Ang kita o sahod ng employer ay nakatakdang tumaas sa pagdami ng worker na nais i-regularize.
Ang pagbabayad ng anim na buwang lumipas, ay kakalkulahin base sa minimum wage, gagawan ng certification sa pamamagitan ng isang declaration pirmado ng employer at ng worker. Matapos lamang patunayan ang naging pagbabayad, pati na rin ng mga kontribusyon ay maaaring magpatuloy sa inaasam na regularization.
Hanggang dito lamang sa ngayon ang mga ‘balita’ buhat sa Viminale. At para sa mas detalyadong pamamaraan, kailangang pa ring hintayin ang pinananabikang paglalathala sa decreto interministeriale.