Ang Ministries of Interior and Labor ay kasalukuyang tinatapos ang isang circular na magpapabilis sa proseso. "Mga bagong balita ukol sa katibayan ng pananatili sa bansa ang ilalabas".
Rome – Hunyo 12, 2013 – Nalalapit na ang paglabas ng "paglilinaw" ukol sa regularization na maaaring mag-pabilis sa pagproseso ng mga application at marahil ay palawakin ang mga panuntunan na hanggang sa ngayon ay nananatiling masyadong mahigpit.
Noong nakaraang Mayo 30, ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga kinatawan ng Interior at Labour Ministries, INPS, Inail at Prefecture na namamahala ng mga application ng huling Regularization, tulad sa Milan, Rome, Naples at Brescia. At sa nasabing pagtitipon ay inihayag ang combined circular ng Interior-Labor na maaaring magbigay ng mga indikasyon upang mapabilis ang pagproseso hanggang sa pirmahan ang contratto di soggiorno at ang request ng first issuance ng permit to stay.
Kailangang hintayin ang teksto upang malaman ang detalye ng mga pagbabago. Isang bagay ang sigurado, mayroong buhol na kailangang ayusin.
Isa sa mga problema ay ang "black list" kung saan napabilang ang mga employer na sa nakaraan ay nagsumite ng application para sa regularization o direct hire, ngunit hindi itinuloy ang hiring. Kapag natuklasan ng Regional Labor Office na ang employer na nagsumite ng aplikasyon sa huling regularization ay isa sa mga di nagtuloy ng hiring sa nakaraan ay awtomatikong reject ang regularization.
“Sa ilang mga lalawigan ito ay isang problema, ngunit kailangang isaalang-alang na kung mayroong katibayan sa mga di-inaasahang mga kaganapan, ang mga employer ay mayroong karapatang kumpletuhin ang proseso ng regularization. At hindi dapat na awtomatiko ang pagre-reject. At mayroong iba pang mga kaso kung saan maaaring maging mapang-unawa, tulad ng pagtanggap sa family income sa pagsusuri ng economic situation ng sinumang nagsumite ng aplikasyon”, dagdag ng isa sa mga dumalo sa pagtitipon.
Ang tunay na dapat ayusin, gayunpaman, ay nananatiling ang patunay ng presensya sa Italya mula noong 2011.
Dito karaniwang reject ang karamihan ng mga aplikasyon. Ang opinyon ng State Attorney ukol sa dokumentasyon na ipinagkaloob ng isang public office ay walang dudang sanhi ng mga alinlangan at mayroong malawak na kahulugan para sa mga Prefecture. Ang resulta? Upang ma-regularized ay kailangan naisumite ang aplikasyon sa tamang lalawigan. Swertihan, ika nga… at maging sa aspetong ito ay maaaring mayroong mga bagong balita…
Noong nakaraang Miyerkules ang Prefecture ng Brescia ay tinanggap ang mga delegates ng asosasyong “Diritti per tutti”, kinatawang imigrante ng CGIL, ang Senegalese community at ipinangako na muling aayusin ang Sportello Unico per l’Immigrazione na maaaring magpabilis sa pagsusuri ng mga aplikasyon. Gayunpaman, sa araw ding iyon ay napag-usapan ng pagpupulong noong Mayo 30 sa Interior Ministry.
Isang official note ng prefecture ang mag-a-anunsyo ng "mga hakbang sa lalong madaling panahon para sa promosyon sa central level. Maging sa pamamaraan, o maging sa panukalang mga susog sa regulasyon, ukol sa kahulugan ng pampublikong kinatawan at sa mga naging pasiya ukol sa katibayan ng pananatili sa Italya sa petsang itinalaga ng batas ".
Sa mga susunod na araw ang teksto ng paglilinaw.