Ang sinumang nagbayad ng 1,000 euros hanggang noong nakaraang Oct 15 na hindi naman ipinadala ang aplikasyon online para sa Sanatoria, ay binibigyan na ng pagkakataong ipadala ang mga ito, simula ngayon hanggang Jan 31.
Rome – Dec 10, 2012 – Huling panawagan para sa nakaraang Regularization. Ito ay para sa mga pamilya at kumpanya na hanggang noong nakaraang Oct 15 ay nagbayad ng 1,000 euros bilang kontribusyon, ngunit hindi naman naipadala ang aplikasyon online.
Tinatanggap ng Ministry of Interior ang ginawang pagbabayad ng kontribusyon bilang isang pagnanais ng employer na gawing regular ang dayuhang manggagawa. Samakatwid, ang sinumang nasa ganitong sitwasyon, ay binibigyan ng pagkakataon upang maipadala ang aplikasyon online, simula ngayong araw na ito hanggang Jan 31, 2013.
Kahit sa muling pagbubukas na ito ay gagawin lahat online sa pamamagitan ng website https://nullaostalavoro.interno.it. Upang makapasok sa sistema, kailangang ilagay sa ‘mail utente’ ang fiscal code o codice fiscal o ang partita IVA ng employer na ginamit sa f24 sa pagbabayad ng 1,000 euros na kontribusyon. Samantala sa ilagay naman sa ‘password’ ang numero ng dokumento ng worker na ginamit pa rin f24.
Matapos makapasok sa sistema, kailangang i fill up ang angkop na form: EM-DOM para sa mga domestic jobs at EM-SUB naman para sa ibang sektor at ipadala ito.