in

Regularization, napapaloob sa inilathalang ‘Sanctions decree’

Opisyal ng inilathala ang mga mabibigat na parusang ipapataw sa mga kumpanya at mga pamilya na tatanggap ng mga irregular immigrants, ngunit ang posibilidad na makaligtas sa mga parusang ito at ma-regularize ang mga worker sa mga pamamagitan ng declaration of regularization (dichiarazione di emersione) ay sisimulan sa Sept 15 hanggang Oct 15. Permit to stay rin para sa mga immigrante dumanas ng exploitation na ihahabla ang kanilang mga employer.

Roma – Hulyo 26, 2012 – Mas mabigat na parusa sa sinumang tatanggap ng mga iligal na imigrante at ang posibilidad na ihabla ang mga employer ng sinumang dumanas ng partikular na uri ng pananamantala ay makakatanggap ng humanitarian permit to stay. Ngunit isang pagkakataon rin para sa mga kumpanya at mga pamilya na tumanggap ng mga irregular immigrant na maghahayag at ire-report upang mai-regularize ang employment, maiwasan ang mga parusa at mabigyan ng permit to stay ang mga workers.

Lahta ng ito ay nasasaad sa decreto legislativo 16 luglio 2012, n.109, “Attuazione della direttiva 2009/52/CE che introduce norme minime relative a sanzioni e a provvedimenti nei confronti di datori di lavoro che impiegano cittadini di Paesi terzi il cui soggiorno è irregolare”. Inilathala kahapon sa Official gazette at ipatutupad simula Aug. 9.

Sa kasalukuyan, ayon sa Batas ng Imigrasyon (Testo Unico sull’Immigrazione), ang pagbibigay ng trabaho sa sinumang walang permit to stay ay isang krimen na pinaparusahan ng batas mula 6 na buwan hanggang 3 taon at isang multa ng 5,000 euros bawat irregular worker. Idadagdag pa rin dito ang administrative sanctions sa bawat violation sa mga obligasyon ng kontribusyon at buwis.

Ang decree na inilathala ay magpapalala sa mga parusang nabanggit. Nasasaad, samakatwid na ang sinumang nahatulan (kahit hindi pa pinal) sa krimeng ito ay hindi maaaring kumuha ng sinumang manggagawa buhat sa ibang bansa sa pamamagitan ng direct hire. Bukod dito, ay dapat ring magbayad ng isang multa “katumbas ng average amount ng deportation ng irregular worker na tinaggap sa trabaho” (na ihahayag sa implementing rules and guidelines buhat sa mga Ministries), halagang gagamitin sa deportation, pati na rin sa mga integration projects.  

Ang Ministry of Labor ay magsasagawa ng "sapat at epektibong" mga controls sa mga sektor na itinuturing na ‘high risk’ at ibibigay ang ulat nito taun-taon sa European Commission. Kapag natuklasan ang irregular employment o pagtanggap sa irregular worker, at napatunayang tumagal ng halos tatlong buwan, dapat kalkulahin ang naging diperensya sa sahod, buwis at kontribusyon na dapat bayaran ng employer.

Exploitation? Permit to stay sa mga maghahabla

Idinagdag rin ang mas malalang parusa sa mga sitwasyon ng exploitation ng mga irregular immigrants. Ang parusa ay lumalala, sa katunayan, simula one third hanggang sa kalahati, kung ang worker ay higit sa tatlo, kung mga minors, o kung “nasa kundisyon ng panganib” at dipende sa uri at kundisyon ng trabaho.

Sa ganitong mga kaso, sa mungkahi o sa aprubasyon ng Procura, kung ang manggagawa ay ihahabla ang employer at makiki-pagtulungan sa proseso ay maaaring magkaroon ng humanitarian permit to stay. Balido ito ng anim na buwan at maaaring i-renew ng isang taon o higit pa, hanggang sa matapos ang kaso. Ito ay maaaring ma-convert sa permesso di soggiorno per lavoro kung ang dayuhan ay makahanap ng bagong trabahong regular.

Ito ay upang hikayating ihabla ang mga imigranteng pinahirapan at napasa-ilalim ng malupit na kundisyon, mababang sahod at itinuring na tila mga alipin. Mayroong ganitong mga kaso ngunit kumakatawan sa maliit na bahagi lamang ng irregular migration.

Ang regularization

Ang patakaran, gayunpaman, ay mahalaga sa daan-daang libong mga invisible na nabanggit sa ikalima at huling ulat ng legislative decree na pinamagatang “Disposizione Transitoria”. Ang mga kumpanya at mga pamilya na tumanggap sa mga irregular worker ay maaaring maiwasan ang mga parusa sa pamamagitan ng “dichiarazione di emersione” simula Sept 15 hanggang Oct 15.

Ang mga employer ay dapat magbayad ng isang kontribusyon (contributo forfetari)  ng € 1000 at, pipirma ng contratto di soggiorno, at dapat patunayan ang binayarang sahod, buwis at kontribusyon  ng at least anim na buwan. Samantala ang mga workers ay dapat patunayan ang pananatili sa Italya ng Dec 31, 2011, at mapagkakalooban ng permit to stay.

Ang mga pangunahing aspeto sa pamamaraan ay una ng inilathala ng Akoaypilipino.eu. Ang karagdagang mga detalye, tulad ng pamamaraan ng pagbabayad ng kontribusyon at pagsusumite ng mga aplikasyon o ang kita na kinakailangan ng mga employer ay lilinawin sa pamamagitan ng ilalabas na Interministerial decree sa mga darating na linggo.

 

DECRETO LEGISLATIVO 16 luglio 2012, n. 109    
Attuazione della direttiva 2009/52/CE che introduce norme minime relative a sanzioni e a provvedimenti nei confronti di datori di lavoro che impiegano cittadini di Paesi terzi il cui soggiorno e' irregolare. (12G0136) (GU n. 172 del 25-7-2012 )

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Falsification of public documents, isasampa rin

Alas 2 ng tanghali nagkamali ang nurse na si Roberta at ang Direktor naka-bakasyon