in

Regularization, pag-aralan ang wastong pamamaraan – UGL Polizia di Stato

Emanuele Brignoli (Osservatorio nazionale uffici immigrazione ): "Karagdagang pasanin sa napakarami ng trabaho, napakaraming aplikasyon na dapat suriin, at pagkatapos ay ang mga apila, ang pag-proseso sa mga protesta…Dapat pag-aralan ang tamang pamamaraan”

Roma -Agosto23, 2012 -Ito ay isang magandang pagkakataon para sa daan-daan libong mga manggagawa, mga pamilya at mga kumpanya, ngunit ang nalalapit na regularization ay kinatatakutan ng mamamahala nito.

"Ang hindi tamang pamamaraan na hahantong sa pagbibigay ng clearanceat pagkatapos ay ang pagbibigay ng permit to stay ay maghahatid ng karagdagang pabigat sa mga prefecture, police station, mga procure, sa mga institusyon,  tanggapan ng seguridad at mamamahalang kinatawan, kaya ang halagang makukuha mula dito ay lalabas naman ng doble sa dami at haba ng proseso”, ang ipinaabot na kinatatakutang posibleng mangyari ni Emanuele Brignoli, ang regional secretary ng Osservatorio Nazionale Uffici Immigrazione ng Ugl Polizia di Stato.

Ayon sa unyon, "ang mga kaguluhan sa renewal ng mga permi tto stay ay madadagdagan ng napakaraming pagsusuri ukol sa mga requirements ng sanatoria na gagawin matapos ang pagpirma sa tinatawag na ‘contratto di soggiorno’ o ang pagsusuri sa fingerprints na kinakailangan sa releasing ng permit to stay.

Ang pagsisiyasat ay magsisimula sa puntong iyon, mga pamamaraan sa kanselasyon o pagbawi, criminal case, indictments, apila, protesta ng mga asosasyon, welga, at marami pang iba… ".

"Dahil dito –pagtatapos ni Brignoli–ay aming hinihiling, para sa ikabubuti ng lahat, na pag-aralan ang mga wastong pamamaraan upang matamo ang magandang resulta sa hindi mahabang proseso ng sanatoria. Upang maiwasan tulad ng sinasabi, na nabibigyang gantimpala ang mga nagkakasala at pinahihirapan naman ang mga nagsusumikap na mamuhay ng legal.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Catering ng mga Pilipino, kumpiskado sa Versilia

Toll Free number, aktibo