Naging masyadong mahigpit ang pamantayang ginamit ng ilang prefecture upang mapatunayan ang pananatili ng dayuhan sa Italya. Ang mga aplikasyon ay muling susuriin sa kahilingan ng mga aplikante.
Roma – Mayo 13, 2015 – Ilang buwan na lamang at tatlong taon na ang nakakalipas sa pinaka huling regularization kung saan libu-libong mga migrante ang tinanggihan at ngayon ay muling mabibigyan ng pag-asa upang masuring muli ang mga aplikasyon.
Lahat ng ito ay nagsimula sa Brescia, kung saan tinatayang 70% ng mga aplikasyon ang tinanggihan, kumpara sa national average na halos 30%. Ipinatupad ng prefecture ang mahigpit na kriteryo o pamantayan upang mapatunayan ang pananatili sa Italya “hanggang sa petsa ng Disyembre 31, 2011 o mas maaga sa petsang ito” na patutunayan ng mga dokumentasyon buhat sa pampublikong kinatawan”.
Mga migrante, asosasyon at unyon ay nag welga sa plasa ng ilang buwan, hanggang sa makumbinsi ang Ministry of Interior upang maliwanagan, sa tulong ng opinyon ng Consiglio di Stato. Ngayon ang opinyon ay lumabas na at muling ipinaliwanag ang batas sa regularization at sa kahilingan ng mga aplikante, ay maaaring suriin muli ang mga aplikasyon na hindi makatwirang tinanggihan. Sa Brescia, gayun din sa ibang bahagi ng Italya.
Una sa lahat ay nilinaw na ang presensya sa Italya na kailangang patunayan ay “hanggang Disyembre 31, 2011” ng walang limitasyon bago ang petsang ito. Samakatwid, maaaring gamiting patunay ang mga taong 2010 o 2009 at isang pagkakamali ang ginawa ng mga prefecture tulad sa Brescia na tinanggap lamang na patunay ang huling kalahating taon ng 2011.
Kinumpirma rin ng Consigli di Stato ang isang malawak na interpretasyon ng “pampublikong kinatawan”: o mga “organized structure o mga legal na kinatawan na inatasan sa pagsasagawa ng mga aktibidad o serbisyong pampubliko”. At ipinaliwanag na ang mga medical certificate buhat sa mga family doctor (medico di base) o mga awtorisadong duktor ay tinatanggap bilang balidong patunay.
Dahil dito, noong May 4, ang Ministry of Interior ay nagpadala ng isang circular sa lahat ng mga prefecture at inanyayahan ang mga ito sa pagpapatupad nito. Paano? Kailangan nilang suriin, ‘sa request ng aplikante’ at ‘sa maingat na paraan’ ang mga tinanggihang aplikasyon batay sa maling interpretasyon ng kriteryo. Ang regularization, samakatwid, ay hindi pa rin tapos hanggang sa ngayon.
Scarica il parere del Consiglio di Stato e la circolare del Ministero dell’Interno