in

Regularization – Permesso per attesa occupazione, kung matatapos ang trabaho bago tawagin ng SUI

Tanggap ang ‘subentro’ sa mga di maiiwasang pangyayari. Employer at worker dapat pirmahan ang contratto di soggiorno. Narito ang tagubilin ng Ministry of Interior.

Roma – Dec 5, 2012 – Pamilya, kumpanya at mga workers na kabilang sa huling Regularization ay maituturing na nagtagumpay lamang sa sandaling tawagin ng Sportello Unico per l’Immigrazione upang pirmahan ang contratto di soggiorno. Ang mga employer sa ganitong paraan ay maiiwasan ang multa at ang mga manggagawa naman ay magkakaroon ng pinaka-aasam na permit to stay.

Ngunit ano ang mangyayari kung ang trabaho ay mawawala o matatapos bago pa man tawagin ng SUI? Sa katanungang ito ay sumagot kahapon sa pamamagitan ng isang circular ang Ministry of Interior na naglarawan ng iba’t ibang kaso at iba’t ibang solusyon.

Ang trabaho ay maaaring magtapos dahil sa mga hindi maiiwasang mga pangyayari (forza maggiore, kung tawagin sa italyano) halimbawa, ang pagkamatay ng inaalagaang matanda o ang pagsasara ng kumpanya. Sa ganitong mga kaso, sa araw ng appointment, ay pahihintulutan ang “subentro” o ang pagpapatuloy ng isang miyembro ng pamilya ng namatay o ng pumalit na kumpanya, kahit pa palitan ang kundisyon ng trabaho, sapat na ang nagtataglay ng mga requirements na ayon sa batas. Kung ang ‘subentro’ ay hindi posible, sa worker ay ipagkakaloob ang permesso per attesa occupazione.

Kung ang dahilan ng pagtatapos ng trabaho ay iba, ang employer ay kailangang magpakita pa rin sa SU, pirmahan ang contratto di soggiorno para sa panahong nagtrabaho ang worker. Ang pamilya at kumpanya ay dapat pa ring magbayad ng buwis o kontribusyon para sa panahong nagtrabaho ang worker, na hindi bababa sa anim na buwan.

Matapos pirmahan ang kontrata at gawing pormal ang pagtatapos ng trabaho, ang employer ay hindi mapapatawan ng krimen at anumang paglabag sa administrasyon sa pagtanggap ng isang undocumented. At ang worker ay maaaring pagkalooban ng permesso per attesa occupazione.

Nasasaad rin ang pansamantalang pagsasa-isangtabi ng penal at adminsitrative case ng employer kung sa SUI ay worker lamang ang magpupunta. Ipinapaalala ng Viminale na hangga’t hindi tapos ang buong proseso ng Regularization, ipinagbabawal na ang mga workers ay tanggapin ng ibang employer.  

Maaaring ang mga employer ay magpanggap na ang aplikasyon ay hindi sila ang nagpadala. Ipinaliwanag ng Ministry of Interior na sila ay magtungo sa mga pulis at maghabla ng ‘identity theft’, at dalhin sa SUI. Sa ganitong paraan, ang proseso ay maisasara ng wasto.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagkakataon ng employer na nagbayad ng 1,000 E na maipadala online ang aplikasyon ng Sanatora ‘12

2012 immigration quotas for non-seasonal workers