in

Regularization: Sept 7, simula ng pagbabayad ng 1,000 euros

Ipinaliwanag ng Agenzia per le Entrate kung paano ipi fill-up ang form “F24 versamenti con elementi identificativi”. Mayroong 2 tax code, ang REDO para sa mga domestic jobs at ang RESU para sa lahat ng ibang uri ng trabaho.

Roma, Agosto 31, 2012 – Sa Biyernes, Setyembre 7 ay ang simula ng pagbabayad ng 1,000 euros ng regularization.

Ito ay ayon sa isang resolusyon na pinagtibay ngayong araw na ito ng Agenzia dell’Entrate kung saan ipinapaliwanag sa mga employer kung paano ipi-fill up ang form “F24 Versamenti con elementi identificativi”, ang paraang pinili upang mabayaran ang contributo forfetario. Lahat ng ito habang hinihintay ang publikasyon sa Official Gazette ng interministerial decree kung saan tutukuyin ang implementing rues and guidelines.

Nilinaw ng nabanggit na ahensya, na sa seksyon ng “CONTRIBUENTE” (taxpayer) ay ilalagay ang lahat ng mga personal datas at fiscal code ng employer na syang magsasagawa ng pagbabayad. Samantala, sa seksyon “ERARIO ED ALTRO” (tax at iba pa) sa halip ay kailangan namang i-fill up ang isang linya bawat worker na nais gawing regular.  

Ang seksyon ng "tipo" ay dapat ilagay ang letrang R, sa seksyong “elementi identificativi” ay kailangang ilagay ang numero ng pasaporte o dokumento ng worker (kung mayroong higit sa 17 numero, ay ilalagay lamang ang unang 17 numero). Sa seksyong “codice”, ay ilalagay ng mga employer ng mga domestic workers ang REDO, samantala ang ibang employer ng mga subordinate jobs ay RESU naman. Sa seksyong “anno di riferimento” ay ilalagay ang 2012, at sa “import a debito versati” 1000.00.  

Ayon sa Agenzia dell’Entrate, ang “codici tributi” o tax code ay magiging epektibo simula Sept 7, 2012, samakatwid ay hindi maaaring gawin ang pagbabayad bago ang itinakdang petsa. Gayunpaman, mahirap sa panahon ng krisis ang mauna at magmadali sa pagbabayad.   

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization – Maraming alinlangan ukol sa presensya sa Italya

Regolarizzazione: Dal 7 Settembre il versamento di 1000 euro