in

Regularization? Sigurado na at hindi na lamang isang pag-asa…

Ang pamahalaan ay ipatutupad ang European directive na magpapalalà ng mga parusa sa sinumang tatanggap sa mga undocumented. Ang mga kumpanya at mga pamilya na gagawa ng autodenuncia, o mag-rereport sa mga sarili sa pag-aming sila’y tumanggap ng undocumented (at magbabayad) ay maaaring maiwasan ang mga parusang ito at ang mga imigrante ay bibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng permit to stay. Sa mga pananamantala at katiwalian, ay pagkakalooban ng permit to stay ang sinumang mag-rereport sa mga employer.

Roma – Hulyo 9, 2012 – Sa ngayon ay sigurado na, ang gobyerno ay inaprubahan ang isang bagong regularization, kahit pa higit itong gustong tawagin bilang “ravvedimento operoso” o “misura transitoria”. Ito ay magpapahintulot sa mga kumpanya at mga pamilya na nagbigay ng trabaho sa isa o higit pang mga undocumented immigrant upang maiwasan ang mga bagong parusang ipatutupad at sa mga dayuhan naman ay ang pagkakataong magkaroon ng pinapangarap na permit to stay.

Ito ang nakasulat sa legislative decree na inilunsad noong nakraang biyernes ng hapon ng Konseho ng mga ministro, transposing European directive 2009/52/EC ukol sa “mga pamantayan sa mga parusa at mga panukala laban sa mga employer na tatanggap sa mga mamamayang ng Third countries na undocumented” o (“norme minime relative a sanzioni e a provvedimenti nei confronti di datori di lavoro che impiegano cittadini di paesi terzi il cui soggiorno è irregolare”).Kumpara sa mga indikasyon buhat sa Brussels, ang dekreto ay mayroong karagdagang panukala na magpapahintulot sa marami ang makaligtas at makalabas sa kasalukuyang sitwasyon at sa pamahalaan ang kumita ng isang malaking halaga.

Sa ngayon, ang sinumang mag-eempleyo o tatanggap sa undocumented immigrant ay pinaparusahan ng pagkakabilanggo mula tatlong buwan hanggang sa isang taon at ang multa ng 5000 € sa bawat manggagawa. Dagdag sa mga ito ang administrative sanctions para sa paglabag batas ng pagpapasahod at panlipunang obligasyon sa seguridad. Expulsion naman ang kaparusahan para sa manggagawa.

Ang dekreto,ay nagsasaad na ang sinumang nahatulan, kahit hindi pa pinal ang sentensya ay hindi maaaring makapasok ng bansang Italya kahit sa pamamagitan ng ‘direct hire’. Bukod dito ay dapat magbayad ang isang bagong multa na katumbas ng “karaniwang average amount ng deportasyon ng manggagawang tinaggap na undocumented”, halagang kakailanganin upang pondohan ang deportasyon, maging ang mga proyekto g integrasyon.

Pananamantala? Permit to stay sa sinumang maghahabla

Nasasaad rin ang mas malubhang parusa sa kaso ng exploitation. Ang parusa sa employer ay madadagdagan (mula one-third hanggang kalahati) kung mayroong higit sa tatlong undocumented workers, kung mas bata sa 16 na taong gulang, o ang mga ito ay napailalim sa “kondisyon ng matinding panganib”, ukol sa “karakteristiko ng ibinibigay na serbisyo at ang kundisyon sa trabaho”.

Sa mga kasong tulad lamang ng; kung ang manggagawa ay ni-report ang employer at nakipagtulungan sa panahon ng proseso ng kaso, ay maaaring magkaroon ng humanitarian permit to stay. Anim na buwan ang validity nito at renewable hanggang isang taon o higit, hanggang sa katapusan ng kaso, at convertible sa isang woking permit to stay, kung sakaling ang manggagawa ay magkakaroon ng bagong regular na trabaho.

Ang procedure na ito ay maaari ring i-aplika, halimbawa, sa mga imigranteng nagtatrabaho sa mga kampo sa hindi makataong kundisyon, mababang sahod at halos alipin ng mga caporalato. Mga manggagawang tulad sa Rosarno, na nag-aklas, tulad halimbawa ng isang manggagagwang nakuha ang atensyon ng media. Marami ang mga kasong ganito ngunit kumakatawan lamang sa isang maliit na bahagi ng irregular immigration ng bansa.  

Ang regularization

Ang karaniwang kalagayan ay ang mga domestic helpers o colf, caregivers, laborers, construct workers at iba pa na bagaman hindi masasabing nasa ilalim ng exploitation, ay nagtatrabaho ng ‘nero’ o di deklarado, dahil sa pagiging undocumented o kawalan ng permit to stay. Para sa mas nakaka-laking bahaging ito, ito marahil ang balitang pinakahihintay na magsasalba sa lahat.  

Habang ang dekreto ay tuluyang binibigyang porma, ang ministro ng Integration na si Andrea Riccardi ay nagmungkahing bigyan ang mga employer, ng isang maikling panahon o fase transitoria bago tuluyang ipatupad ang mga bagong norma, o ang posibilidad ng isang pagsisisi o pagtatama sa isang kamalian o ang tinatawag na “ravvedimento operoso”. Ang pagsasagawa ng autodenuncia hanggang sa itatakdang panahon at pagbabayad ng halagang itatakda ng batas, ay maaaring maglista sa mga karampatang parusa.

Ang parehong opinyon ay ipinahayag sa pamamagitan ng isang majority vote ng mga commission sa Kamara at Senado. Ang Palazzo Madama ay naging malinaw, at humingi ng ‘fase transitoria’ o tila palugit sa panahon kung kailan ang mga employer ay maaaring bolontaryong sumunod sa mga bagong batas upang maiwasan ang kaparusahan, sa pamamagitan ng paghahayag hanggang sa panahong nakatakda ng pagtanggap sa isang undocumented immigrant, ng isang obligasyon upang bayaran ang kontribusyon at buwis katumbas ng tatlong buwan at pagbabayad ng halagang 1,000 bawat manggagawa.

Sa pag-uudyok ng Ministro na si Riccardi, at pagiging boses din ng posisyon ng Parliyamento, ang gobyerno ay ipinasok ang posibilidad na ito sa dekreto na inaprubahan noong biyernes. Ngunit upang malaman ang mga karagdagang detalye ay kailangan pa ring maghintay ng ilang araw, dahil ayon sa mga ‘tekniko’ ay kasakuluyang kinukumpleto ang file, ngunit ang pag-asa ay nagkaroon ng katiyakan, ang pagdating ng isang bagong regularization.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ora è sicuro, arriva una nuova regolarizzazione

“Hindi kami sang-ayon sa regularization” – Pdl