Sino ang maaaring gumawa ng deklarasyon ng regularization?
Ang mga employer na Italian, EU nationals o non-EU nationals na mayroong EC long term residence permit (ang dating carta di soggiorno)
Para kanino ang deklarasyon?
Para sa mga dayuhang manggagawa na nasa bansang Italya, ng tuluy-tuloy at pumasok ng bansang Italya ng Dec 31, 2011(o bago). Ang pananatili sa Italya ay dapat patunayan sa pamamagitan ng mga dokumentasyong galing sa “tanggapang publiko” tulad ng report ng pronto soccorso (emergency), isang notarial deed, ang pag-renew ng pasaporte sa Embahada o Konsulado.
Mga requirements ng trabaho
Ang trabaho ay dapat na sinimulan ng hindi bababa sa tatlong buwan bago ang petsa ng pagpapatupad sa Sanatoria.
Hindi maaaring ma-regularized ang part-time na trabaho o ang mga trabahong mas mababa sa 20 hrs per week at ang sahod ay di dapat mas mababa sa minimum wage sa itinalaga ng contratti collettivi.
Kailan dapat isumite ng employer ang deklarasyon at magkano ang dapat bayaran?
Ang deklarasyon ay dapat na gawin simula sa Setyembre 15 hanggang sa 15 Oktubre 2012. Bago isumite ang deklarasyon ito, ang employer ay dapat magbayad ng isang kontribusyon ng 1000 euros sa bawat manggagawa. Sa kasong ang trabaho ay sinimulan bago pa man ang tatlong buwang itinalaga ng batas, ang employer ay dapat magbayad ng higit pa. Mangyaring tandaan na ang mga employer, sa pagsusumite ng declaration of regularization ay dapat mayroong sapat na kita o sahod na pinatutunayan sa pamamagitan ng income tax return. Isang angkop na interministerial decree, sa katunayan, ang ipagtitibay sa loob ng 20 araw mula sa petsa ng pagpapatupad ng Sanatoria, na magbibigay ng detalye, ng pamamaraan, karagdagang mga requirements at karagdagang kontribusyon na dapat bayaran.
Sino ang mga hindi kabilang?
Hindi kabilang ang mga employer na nahatulan sa nakaraang limang taon (kahit hindi pa pinal ang sentensya), sa krimen ng aiding and abetting of illegal immigration, trafficking o expolitation of minors for prostitution, ilegal na pagtanggap o pagbibigay ng trabaho sa mga iligal na imigrante.
Hindi rin kabilang sa regularization ang mga employer na nag-aplay para sa Direct hire at Regularization 2009, at pagkatapos ay hindi pumirma ng contratto di soggiorno at hindi itinuloy ang hiring sa Centro per l’Impiego at tanggapan ng Inps. Hindi kabilang ang mga imigrante na deportado dahil sa public order o security of the nation at ang sinumang nahatulan, kahit hindi pa pinal ang sentensya, sa isa sa mga nabanggit na krimen sa ilalim ng artikulo 380 ng Criminal Code. Ipagkakait din ang Regularization sa mga itinutuirng na panganib sa public order o sa seguridad ng Italya o ng iba pang mga bansa sa Schengen, kahit na convictions ay hindi pa pinal.
Ang mga pamamaraan sa Sportello Unico per l’Immigrazione
Sa sandaling mapatunayan ang pagkakaroon ng mga kondisyon na itinalaga ng batas, marinig ang karampatang opinyon ng Direzioni provincialiat Questure, ay tatawagin ang employer at ang worker upang pirmahan ang contratto di soggiorno kasabay ang releasing ng request o aplikasyon para sa first issuance ng permit to stay, ang Kit na ipapadala sa post office. Kasabay ng pagpirma ng employer sa kontrato ay kinakailangan gawin ang komunikasyon ng hiring sa Centro per l’Impiego o sa tanggapan ng Inps para sa mga domestic workers.