Magbabayad ba o hindi? “Maghintay, ang makakapaghintay, payo ng mga patronati habang hinihintay ang panibagong desisyon ng Council of State. “Disoriented at galit ang mga imigrante”.
Tunay na nakakalito ang buwis sa mga permit to stay!
Ang buwis o kontribusyon mula 80 hanggang 200 euros para sa releasing at renewal na hinatulan noong nakaraang taon bilang hindi angkop ng European Court of Justice, tinanggal ng Regional Administrative Court (Tar) noong nakaraang Mayo, ibinalik ulit kalahatian ng Setyembre at sa Oct 13 ay maaaring kumpirmahin o hindi, ngunit mananatiling pansamantalang desisyon. Samantala, ang mga Questure ay hinihingan ng karagdagang bayad ang mga imigrante. Ang sitwasyon ay patuloy na magulo para sa mga imigrante, pati na rin sa mga patronati na tumutulong sa mga imigrante.
“Hinihikayat namin na maghintay hanggang sa susunod na linggo sa paglabas ng desisyon ng Council of State. Pinagbabayad lamang namin ang mga nangangailangang isumite ang renewal ng urgent”, ayon kay Pino Gulia ng patronati Acli at sinabing maraming imigrante ang naguguluhan at hindi maintindihan ang dapat gawin.
Ang mga Questure? Naglagay din ng abiso at nagpapadala ng mga liham sa mga nag-renew. Higit sa lahat ay hiniling sa mga asosasyon na tumulong at ipaalam ang pagbabagong ito sa mga dayuhan.
Kahit ang mga front office ng Anolf Cisl (Milano), ang regulasyon ay “maghintay, ang makapaghihintay”, ayon sa presidente na si Muarizio Bove: “Kung kaya ng panahon ay mainam na huwag makipagsapalarang bayaran ang buwis at hingin ang refund nito kung sakaling ang magiging hatol ay tuluyang tanggalin ang buwis. Ang mga imigrante ay disoriented at galit lalong higit ang mga nagsumite ng renewal application noong nakaraang buwan ng hindi hiningan ng bayad at ngayon ay dapat gawin ang karagdagang bayad”.
Sa katunayan, ayon kay Bove, karamihan ay handa pa ring magbayad ng buwis para sa issuance at renewal ng permit to stay. “Nguni dapat naman ay angkop ang halaga ng buwis sa validity ng permit to stay. Sobra ang pagbabayad ng 100 euros kung ang permit to stay ay balido lamang ng isang taon. Kung hindi babawasan ang halaga, habaan na lamang ang validity ng mga permit to stay, dalawa o apat na taon tulad noong wala pa ang Bossi-Fini law, sa ganitong paraan ay hindi madalas ang renewal ng dokumento.
Samantala ang Inca at CGIL ay nagsimula na sa pag-apila laban sa buwis at sa Oct 13 ay haharap sa pagdinig at patuloy sa kanilang kilos protesta, sa Terni, Modena, Arezzo, Bergamo at Florence. Ang mga dayuhan ay may karapatang ihayag ang kanilang saloobin, may karapatan sa malinaw na regulasyon batay sa kanilang sitwasyon, batas nasyunal o batas man ng Europa”, ayon kina Maurizio brotini ng Cgil at Giorgio Cartocci ng Inca Cgil Tosacana.
“Kailangang marinig ang boses ng mga imigrante na nagtitiwala sa amin at kami ay kanilang kaagapay sa pag-proseso ng mga dokumentasyon. Kami ay kikilos hanggang marinig ang aming tinig dahil ito ay kanila ring tinig at kami ay magkasamang lalaban upang mapagtagumpayan ang hadlang na ito sa pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa at mga dayuhan sa Italya”, ayon kay
Brotini at Cartocci – na hindi hihinto sa harap ng mga nagbibingi-bingihan.