in

Renewal ng residency kailangan din matapos ang renewal ng permit to stay

Ang mga dayuhan ay kailangang magtungo sa Munispyo at i-renew ang dichiarazione di dimora abituale sa loob ng 60 araw mula sa renewal ng permit to stay. Isang istorbo para sa mga dayuhan at isang problema para sa mga Munisipyo.

 

Roma, Agosto 28, 2015 – “Magandang Araw. Dito ako nakatira”. Ang magpatala sa anagrafe at magkaroon ng residency ay isa sa mga pangunahing hakbang na ginagawa ng mga dayuhan sa Italya. At marahil ay itinuturing na simula ng bagong buhay at karaniwang masigasig na ginagawa.

At tunay namang mawawala ang sigasig dahil sa isang obligasyon na para lamang sa mga dayuhan, ang regular na pagpunta sa Munisipyo at paulit-ulit na sabihing, “Magandang Araw po. Dito ako nakatira”. Kung ito ay hindi gagawin ng dayuhan, ay manganganib na matanggal sa listahan ng mga residente, na magkakaroon naman ng negatibong epekto sa pag-aaplay ng citizenship.

Walang pagbabago sa pinakahuling susog sa “Regolamento anagrafico della popolazione residente”, na simulang ipatupad ng kalahatian ng Agosto.

Ang mga dayuhang nakatala sa anagrafe – kumpirma ng regulasyon – ay kinakailangang i-renew sa opisyal ng tanggapan ang dichiarazione di dimora abituale sa Munisipyo kung saan naninirahan, sa loob ng 60 araw mula sa renewal ng permit to stay, dala ang renewed permit to stay. Gayunpaman, hindi naman natatanggal sa listahan sa panahon ng renewal ng permit to stay”.

Sa madaling salita, sa tuwing magre-renew ng permit to stay ay kailangan ding i-renew ang iscrizione anagrafica. Matapos ang deklarasyon, paliwanag pa ng regulasyon – “ang opisyal ng anagrafe ay ia-update ang anagrafic datas ng dayuhan at ipadadala sa Questura”.

Para sa mga imigrante ito ay malinaw na isang istorbo, at karagdagang trabaho sa anagrafe na kinakailangang saliksikin mula sa database ang sitwasyon ng mga dayuhang residente at ang abisuhan ang mga ito isa-isa, at sabihang i-renew ang pagkakatala bago tuluyang mabura sa listahan. Ito ay nangangailangan ng panahon, pasensya, tao at halaga sa pagpapadala ng registered mail.

Ito ay isang bagong pasanin, lalo na sa mga munisipyo na may mas maraming bilang ng mga imigrante” ayon kay Igor Zirilli ng DeA, isang asosasyon ng mga demographic service oprators sa Stranieriinitalia.it. “Bukod pa sa hindi maintindihan kung gaano ba talaga katagal ang panahong kinakailangan sa renewal ng permit to stay, at marihap ang magtakda ng deadline upang paalalahanan ang dayuhan sa renewal ng dichiarazione di dimora abituale”.

Para sa mga munisipyo, sila ay walang magagawa kundi ang kumilos kung para sa kanila ang panahon ay sapat na. Ang mga dayuhan? Matatandaan kaya nila ang bumalik sa munisipyo? “Maaaring ang ilan ay oo, ang iba ay makakalimutan, ang ilan naman marahil ay hindi alam ang obligasyong ito. Dahil dito ay mahalagang ipaalam ito sa kanila sa pagpapatala sa unang pagkakataon pa lamang”, bigay-diin ng eksperto ng DeA.

Isang pamamaraang mas simple ay makakabuti para sa lahat, lalo na ngayon na mula sa anagrafe comunale ay ginagawanag anagrafe nazionale. “Ang mga Questure – mungkahi ni Zirilli – ay maaaring magpadala ng komunikasyon sa mga anagrafe kung magre-renew at kailan ng mga permit to to stay ang mga dayuhan. Ito ay isang malaking hakbang na”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Global Day of Prayer for Peace and Victory, gaganapin sa Roma sa Aug. 30

Ano ang Balikbayan Box?