in

Reporma ng Pagkamamamayan, pending sa Senado

Sinimulang talakayin ang panukalang budget sa Senado at ito ay magpapatuloy hanggang Nov 20. Ang ibang dapat talakayin ay naka-pending lahat kasama na dito ang bagong mga alituntunin upang maging ganap na Italyano.

 

Roma, Oktubre 29, 2015 – Ang Reporma sa citizenship, tulad ng inaasahan, ay kasalukuyang naka-pending sa Senado. Maghihintay uli ng isang buwan, pagkatapos ng panukalang budget tsaka muling sisimulang talakayin ito.

Samantala, sa Palazzo Madama ay sinimulan na ang tour de force upang rebisahin at aprubahan ang mga panukala hingil sa stability at budget. Batay sa patakaran ng Senado, hanggang sa huling botohan ng mga panukala, na nakatakda hanggang Nov 20, ay hindi maaaring magpasok ng ibang agenda kahit sa committee ng ibang panukala na maaaring maging sanhi ng pagbabago sa mga gastusin o kita nito.

Ang reporma ng citizenship ay hindi dapat maging sanhi ng anumang pabigat sa estado, ngunit hiningan ng opinyon ang Budget Committee at samakatwid ay inihinto rin ito. Sa katunayan, sa pulong ng mga political leaders ay dapat nagpasya ang karamihan na ituloy ang diskusyon habang may sesyon ang budget (tulad ng sa reporma ng ikatlong sektor), ngunit hindi ganito ang nangyari.

Gayunpaman, natapos kamakailan ang diskusyon ukol sa bagong alituntunin sa Constitutional Affairs Committee. Rapporteur si Doris Lo Moro ng PD, na naglahad ng inaprubahang teksto sa House, gayun din ang ilang panukala ukol sa citizenship na nasa Senado na. Matapos ang paglalahad ay dapat sanay ang pagsusuri na ipinagpaliban naman.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Gaano katagal maghihintay ng sagot matapos isumite ang aplikasyon ng family reunification?

Rice N Grain sa Youtube tuwing Sabado