in

Reporma sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante, walang epektong pinansyal

Walang anumang dalang pabigat sa pampublikong pananalapi ang reporma. Narito ang ulat ng State Accountant General

 

Roma, Pebrero 12, 2016 – Ang reporma sa citizenship ng mga anak ng mga imigrante ay walang makabuluhang epektong pinansyal sa kaban ng bayan. Kailangang maghanap ng ibang dahilan ang sinumang nais tanggihan ang reporma sa Parliyamento.

Ang inaasahang tuluyang magsasara sa reporma ay ang technical report na isinumite kahapon sa Senado ni Economy Vice Minister Enrico Morando. Matatandaang hiningan ito ng budget committee ng opinyon hinggil sa panukala (disegno di legge 2092) “Susog sa batas Pebrero 5, 1992 bilang 91 at ilang bagay ukol sa citizenship”.

Tinanggihan ng State Accountant General ang mga ginawang pagtutol ng oposisyon, mula sa hindi pagbibigay ng 200 euros na kontribusyon para sa aplikasyon o deklarasyon ng citizenship ng mga menor de edad. Sa katunayan, ang reporma ay tumutukoy sa bagong proseso, nakalaan sa mga ipinanganak o nakatapos ng isang ‘scholastic cycle’ sa Italya at samakatwid ay hindi maaaring isipin ang kawalan ng kita, dahil wala itong karagdagang kita.

Oo, mababawasan ang mga kabataang nagbibigay ng 200 euros na kontribusyon sa pagsapit ng 18 anyos batay sa kasalukuyang batas, dahil ang citizenship ay kanilang matatanggap ngayon ng walang anumang kontribusyon, ngunit ito ay isang kabawasan sa Minsitry of Interior lamang “ng hindi maaapektuhan ang pampublikong pananalapi”. “Ito, sa katunayan, kahit na tumutukoy sa halagang may pinaglalaanan na, ay itinatalaga sa loob ng taon at hindi kabilang sa yearly budget”, paliwanag sa dokumento.

Samantala, higit na ikinababahala ng mga senador ng ‘kanan’ ang indirect financial effect ng reporma. Ang mga new Italians, para sa mga senador, ay magiging sanhi ng higit na assistance, welfare at health service. Ang sagot ng eksperto ng Ministry of Finance ay ‘hindi’, dahil sila ay tumatanggap na ng mga serbisyong ito bilang dayuhan.

Higit sa lahat, sa ulat ay ipinapaalala na ang social assistance ay tinatanggap na ng mga Europeans at non-Europeans at ng kanilang mga pamilya na mayroong carta di soggiorno. Nilinaw na din ng Constitutional Court na ang ilang mga benepisyo tulad ng pensione di inabilità, indennità di accompagnamento, indennità di frequenza, assegno mensile, pensione ai ciechi ay sapat na ang pagkakaroon ng permit to stay na balido ng hindi bababa sa isang taon.

Samakatwid, kahit na tumaas ang bilang ng mga Italians, ito ay hindi magiging “sanhi ng anumang makabuluhang epektong pinansyal”.

Ito ay para rin sa mga benepisyo na nakalaan sa mga Italians, Europeans at carta di soggiorno holders tulad ng l’assegno di maternità per i lavori atipici e discontinui e l’assegno familiare (ANF). Ang pondong inilalaan ay batay sa laki ng bilang ng mga mamamayang Italyano at ayon pa sa State Accountant General “ang laking nabanggit ay hindi makaka-apekto” anuman ang maging resulta ng reporma.

Sa wakas, kahit na ang mga gastusin sa health services ay mananatiling pareho. Bakit? Dahil ang mga menor de edad na dayuhan, at nakakagulat na ang oposisyon ay nalimutan ito, ay maaari ng magpatala sa SSN at sila ay mananatiling nakatala hanggang pagkalipas ng ika-18 taong gulang, sa pagkakaroon ng permesso per studio o lavoro. At samakatwid, “ang kondisyon ng mamamayang italyano ay hindi magiging sanhi ng karagdagang gastusin”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sina Tina at Carlo

Canone rai, babayaran kasama ng konsumo sa kuryente sa iisang bill