Tatalakayin sa Senado sa Jan 12 ang reporma sa citizenship para sa anak ng mga imigrante na inaprubahan ng House noong Oktubre.
Roma, Disyembre 22, 2016 – Reporma sa citizenship para sa anak ng mga imigrante? Tatalakayin sa loob ng tatlong linggo.
Kaninang umaga ay nagpulong ang Constitutional Affairs Committee ng Senado, na nagsusuri sa tekstong inaprubahan na sa Kamara. Itinalaga na muling magpapatuloy ang diskusyon ukol sa panukala n. 2092 at ang mga ukol sa pagkamamamayan sa January 12, 2016, sa ganap na alas 11 ng umaga.
Ito marahil ang unang pagpupulong ng komite sa taong 2016 at dahil ang bagong regulasyon sa pagkamamamayan ang unang puntos at natatanging agenda ay masasabing ito ay isang magandang senyales. Sa Enero ay sisimulan ang komprontasyon sa mga susog pagkatapos ng general discussion.
Kahit ang 2016 sa Palazzo Madama ay sisimulan rin sa ikalawang henerasyon. Sa katunayan sa Jan 12, pagkatapos ng Christmas vacation ay sisimulan ang panukala sa integrasyon ng mga menor de edad na dayuhan sa sports, na nagnanais tanggalin ang isa sa maraming diskriminasyon sa mga anak ng mga imigrante.
Sa teksto ay nasasaad na ang mga kabataang ipinanganak sa Italya, hanggang ika-10 taong gulang ay maaaring mai-rehistro tulad ng mga kabataang italyano. Ito ang magtatanggal sa balakid na hanggang ngayon ay hadlang sa para sa mga kabataang ito na mula sa base ay makasali sa mga competition. Ito ay tintawag na “cittadinanza sportive”, na isnag magandang hakbang bago ang pagiging ganap na mamamayan.