in

“Reporma sa pagkamamamayan bago matapos ang taon” – Renzi

Premier: “Kailangang matagpuan ang isang kriteryo na mabibigkis sa ius soli at paaralan”. “Ang Mare nostrum ay dapat na maging isang operasyon ng buong Europa”.
 

Roma, Mayo 12, 2014 – Ganap na Italyano matapos ang isang siklo ng pag-aaral. Ito ang ideya ng reporma ng citizenship para sa anak ng mga imigrante na pinaniniwalaang maaaring maganap bago matapos ang taon ni premier Matteo Renzi.
 
Sa isang panayam kamakailan sa LA 7 sa Anno Uno, ay muling ikinuwento ng premier ang kanyang naging karanasan sa isang paaralan sa Firenze sa dalawang mag-aaral; sina Fatima at Maria. “Sila ay ipinanganak sa iisang ospital at pareho ng mga nais sa buhay. Ngunit si Maria ay tinanong ako kung bakit sa Fatima ay walang italian citizenship at sya ay mayroon? Ang kanyang naging tanging kasagutan ay: “Walang angkop na batas sa pagkamamamayan sa Italya”.

 
Ipinaalala ni Renzi ang mga magkakasalungat na posisyon ukol sa citizenship. “Para sa isang bahagi: gawin ang ius soli na nangangahulugan na kung ipinanganak sa Italya ay ganap na Italyano. Ngunit hindi ito tanggap ng kabilang bahagi at sinasabing gagawing mapanganib ang Italya tulad ng Amerika”, palabirong ayon sa premier. “Para sa kanila, ang prinsipyo ng ius sanguinis ay kung mayroong ninuno o nuno sa tuhod ay italyano at magiging italyano”.
 
"Ang solusyon ay maaaring, sa pagtatapos ng taon, ay ang matagpuan ang isang kriteryo na magbibigkis sa ius soli sa isang siklo ng pag-aaral. Kung nagtapos ng elementarya o ng high school sa bansa, ay matutunan at samakatwid ay mamanahin ang typical Italian identity, sa puntong ito – paliwanag ng premier – ay maaaring kilalanin ang Italian citizenship”.
 
Ukol naman sa operasyon ng Mare Nostrum, ayon kay Renzi: “Ito ay gagawin natin, ngunit hindi maaring bigyan tayo ng leksyon sa dapat gawin ng Europa”. “Ito ay dapat na isang Europe action at hindi ng Italya lamang, na magpapahintulot na sagipin ang mga buhay, at ang arestuhin din ang mga daan-daang manloloko na nananamantala at na dapat ibilanggo at itapon ang susi ng bilangguan. "
 


"Kay  Ban Ki- moon [ sa opisyal na pakikipag-usap ni Renzi noong nakaraang Miyerkules ] ay sinabi ko na ating ginampanan ang ating papel. “Ang UN ay kailangang gampanan ang kanilang tungkulin na magpadala ng representatives sa Libya, upang tiyakin na mahadlangan ang mga nananamantala sa karagatan", pagtatapos ng premier.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, nalunod sakay ng kanyang sasakyan

Daniele Bodio, haharap sa mga taga-usig sa akusasyong child trafficking