in

Request for Inspection form, inilathala ng Ispettorato del Lavoro sa iba’t ibang wika

Inilathala ng Ispettorato Nazionale del Lavoro o INL sa website nito ang form para sa Richiesta di Intervento Ispettivo o Request for Inspection, na translated sa 9 na wika – English, French, Romanian, Arabic, Urdu, Bengali, Punjabi, Chinese at Italyano.

Ito ay upang gawing mas accessible sa mga dayuhang manggagawa ang form na magagamit upang i-report ang mga diumanoy maling pag-uugali ng employer at upang masimulan ang inspeksyon mula sa ahensya.

Ang Ispettorato Nazionale del Lavoro ay itinatag bilang nag-iisang ahensya para sa mga inspeksyon sa trabaho, samakatiwd, bilang isang pampublikong entidad na may tungkuling magbantay at magsagawa ng mga inspeksyon sa mga usapin sa trabaho, social security at kontribusyon, mandatory insurance para sa kalusugan at kaligtasan sa mga work place.

Bukod sa nabanggit, ang form ay maaaring gamitin upang i-report ang lavoro nero, o kahit ang regular na trabaho ngunit hindi angkop o tugma sa nasasaad sa employment contract; hindi pagbibigay ng tamang sahod, ng 13th month pay, 14th month pay, separation pay, overtime at iba pa. Bukod pa sa ibang irregularities tulad ng mga oras at panahon ng pagtatrabaho, break at day-off, cctv at iba ba.

Ilalakip sa form ang lahat ng kapaki-pakinabang na dokumentasyon na maaaring magpatunay sa ginawang report. Ang form ay dapat pirmahan, lakip ang balidong kopya ng dokumento at ipadala via email sa Territorial Inspectorate ng lugar kung saan nagta-trabaho.

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 4]

Medico di base na Pilipino sa Roma? Piliin si Dott.ssa Jerilyn Tan Balonan

€150 bonus, matatanggap din ba ng mga colf na nakatanggap ng €200 bonus?