in

Request ng reimbursement sa labis na bayad sa permit to stay, sinimulan ng mga imigrante

Itinalaga ng Court of Justice na ang kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay ay sobra. Sa paghihintay ng karampatang pagkilos buhat sa gobyerno, ang Inca CGIL ay tumutulong sa mga dayuhang hingin ang labis na ibinayad ng mga ito.

 

Roma, Oktubre 1, 2015 – Masyadong mahal ang permit to stay para sa mga dayuhan sa Italya. Ang karagdagang kontribusyon mula 80 hanggang 200 euros na ipinatutupad simula Enero 2012 ay sobra, hindi makatarungan at hindi mabibigyang katwiran dahil sa mga gastusin ng estado para sa renewal at releasing nito bukod pa sa pagiging hadlang sa integrasyon.

Ito ay ayon sa hatol ng Court of Justice ng European Union noong Sept 2. Sa ngayon ay nasa TARRegional Administrative Court ng Lazio, (kung saan naka pending ang apela para sa kanselasyon ng kontribusyon ng mga permit to stay), kung paano haharapin ang kwestyon at ang gobyerno ay mapipilitang baguhin ang pamamaraan sa pinaka-maayos na paraan.Samantala, ay nagsimula na ang mga request ng reimbursement, na magpapahintulot sa mga imigrante na mabawi ang labis na ibinayad.

Ang tanggapan ng Inca CGIL ang kumukuha at nagpapadala ng mga ito sa Ministry of Economy at Questure at salamat sa tapang ng nabanggit na tanggapan ay isinulong ang reklamao sa pamamagitan ng pamamaraang legal ay lumabas ang isang hatol.

‘Kami ay mabilis na kumilos pagkalabas ng hatol, sa lalong madaling panahon ay aming kokolektahin sa lahat ng aming mga tanggapan at sa Labour branches ang mga reklamo at request ng danyos. Ito ay ang normal na pagpapatuloy sa aming ipinangakong sasamahan ang mga imigrante sa labang ito’, ayon kay Claudio Piccinini, ang responsabile sa imigrasyon ng Inca sa Stranieriinitalia.it

Ang inisyatiba ay inilathala sa pamamagitan ng mga brochures sa walong (8) wika, kung saan nagbibigay ng impormasyon sa mga imigrante ukol sa lumabas na hatol ng European Court at ang mga epekto nito. Dito ay mababasa: ‘Ang mga tanggapan ng CGIL at ang mga patronato INCA ay naghihintay sa inyo upang magbigay impormasyon at upang kunin ang inyong request na ibalik ang labis na ibinayad mula 2012 hanggang sa kasalukuyan bilang karagdagang kontribusyon para sa releasing at renewal ng permit to stay’.

Ang paglalakip ng ‘request’ ay libre, babayaran lamang ng mga imigrante ang registered mail. Ipinapaalala na ito ay hindi awtomatikong magbibigay karapatan sa refund dahil na rin hanggang sa kasalukuyan, ay hindi pa alam kung magkano at kailan makukuha ito. Samakatwid, ay hindi maaaring ipagkatiwala ito sa mga ‘intermediaries’ na maaaring magpabayad pa ng serbisyo.

‘Sa mga sulat na ito ay aming pipigilan ang anumang pagtanggi sa karapatan sa reimbursement’, bigay-diin ng INCA. Bukod sa pangangailangang pangalagaan ang sinumang higit na gumasto ay aming hangaring makakolekta ng maraming request na magtutulak sa gobyernong kumilos batay sa hatol ng Court of Justice.

Malaking halaga ang nakataya dito. Isipin na lamang ang taunang 150,000 request ng renewal at releasing ng permit to stay buhat sa INCA pa lamang.

Mahaba pa ang tatahaking landas, pagtatapos ni Piccinini. Ang gobyerno ay kailangang kumilos at ayusin ang hindi makatwirang sitwasyon. Dapat mas mura ang halaga ng permit to stay at ang sinumang mula 2012 hanggang sa kasalukuyan ay nagbayad ng labis ay kailangang bigyan ng refund’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Consular Service ng Embahada sa Roma, magbubukas sa Oct 18, araw ng Linggo

30,340 mga rehistrado sa Italya para sa National Elections 2016