in

Riccardi: Ang mga kababaihang imigrante ang pangunahing ahente ng integrasyon”

“Gawain nila ang napakahalagang intercultural mediation. Gawing mga Italyano ang mga imigrante, nang walang pagyurak sa kanilang identity”.

altFlorence – Marso 9, 2012 – ”Ang mga kababaihang imigrante ay maituturing na mga dakilang ahente ng integrasyon ng bansa, ngunit sa kasamaang-palad minsan ay sila din ang pangunahing biktima ng anti-integration”.

Ito ang mga binitawang salita ng Ministro para sa International Cooperation and Integration, si Andrea Riccardi, sa kanyang pananalita sa isang conference ‘Lokal authority, Edukasyon at Integrasyon’ sa Istituto degli Innocenti, Florence.

”Gusto kong magpasalamat – dagdag pa ni Riccardi-  sa lahat ng mga imigranteng babae, na sa kabila ng hindi pagkilala ng institusyon sa kanilang mga gawain, ay kanilang ginagampanan ang pagiging intercultural mediators; kanilang pasan sa mga balikat ang bigat ng anti-integration. Naniniwala ako na ito at dapat isawalat sa pagdiriwang ng Marso 8.”

Sinabi rin ng Ministro “sa mga paaralan ay itinuturo ang kung paano mamuhay kasama ng iba at itinuturo rin kung ano ang kahulugan ng pagiging isang mamamayang Italyano. Kailangang gawing Italyano ang mga imigrante – pagbibigay diin ni Riccardi – ng walang pagyurak sa kanilang identity. Ito ay isang mahirap na gawain na ipinagkakatiwala sa mga guro ng ating bansa.”

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marso 8, mga kababaihan sa Altare della Patria

35,000 seasonal workers, papasok ng Italya