in

Riccardi: Citizenship matapos ang elementarya

Minister of Integration: "Tutukan ang wikang Italyano. Para naman sa reporma, Parliyamento ang dapat na magpasya."

Roma – Hulyo 10, 2012 – “Sang-ayon ako sa pagbibigay ng citizenship sa mga anak ng mga dayuhan na naka-kumpleto ng unang cycle (elementarya) ng pag-aaral sa Italya”. Ito ay ayon sa Minister ng International Cooperation at Integration, Andrea Riccardi kahapon sa Palermo.

"Ang mga kabataan ay nangangarap ng isang kinabukasan sa Italya at ito ay isang mahalagang bagay”, pagbibigay-diin ng Minister at sinabing “napakahalagang tutukan ang wikang italyano”. Samantala, ang reporma sa batas ng pagkamamamayan, paglilinaw pa ng Ministro, “ay isang desisyong manggagaling sa Parliyamento”.

Sa panahon ng pagbisita sa missione Speranza e Carità na tumatanggap sa mga non-EU nationals at mga mahihirap sa lungsod ng Palermo, ayon kay Riccardi “ako ay masaya nagyong araw na ito sa Palermo dahil hindi lamang hinarap ko ang migration issues kundi pati ang realidada ng integrasyon sa lungsod na ito”. Ang mga problemang hinaharap ng mga migrante ay pareho ng mga taga-Palermo, tulad ng trabaho, krisis, ang bagal ng burokratiko. Kami ay kasalukuyang kumikilos para sa mga temang ito”.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Spending review, ano ito?

Mahigpit na pagbabantay sa NAIA dahil sa misteryosong sakit