“Kung ang mga kabataan ay mayroong kulturang Italyano, dapat nating ipagkaloob ang citizenship, naniniwala akong ito ay isang katotohanan”.
Milan, Pebrero 13, 2012 – Ang karapatan ng pagkamamamayan batay sa kultura, maaaring solusyon sa pagitan ng ius solis at ius sanguinis.
Ito ang mungkahi ni Andrea Riccardi, ang Ministro para sa International Cooperation and Integration Policies sa isang interview sa tv transmission “Che tempo che fa”.
Idinagdag pa ng Ministro na “ang isyu ng pagkamamamayan ay para sa Parlyamento, at para sa ius solis at ius sanguinis, naniniwala ako na mayroong solusyon sa pagitan ng dalawang ito, ang karapatan sa kultura, kung ang mga kabataang ito ay mayroong kulturang Italyano bakit hindi natin ipagkaloob ang citizenship sa kanila, naniniwala ako na ito ay isang katotohanan. “
Batay sa relasyon sa pagitan ng Italians at mga imigrante, dagdag pa ni Riccardi, ipinapaalala nito ang dalawang Senegalese na pinaslang sa Florence ilang buwan na ang nakakaraan, at sinabi: “Ang Florence ay naging isang malaking trahedya, kami mga Italians ay mayroong utang sa mga Senegalese dahil maraming nagbuwis ng buhay sa kanila upang tayo ay makalaya sa Nazi Fascism.