in

Riccardi: “Permit to stay ng isang taon sa sinumang naghahanap ng panibagong trabaho”

“Kung hindi, sila ay nanganganib maging iligal at mawawalan ang Italya ng mga manggagawang integrated na. Samantala, sa citizenship, ay susuportahan namin ang anumang lalabas sa  Parlyamento. Dapat mangibabaw ang ius culturae”

altRome – 12 Enero 2012 – Pahabain hanggang isang taon ang validity ng permit to stay para sa mga naghahanap ng trabaho upang maiwasan ang pagiging iligal ng mga imigrante. Ito ay isa sa mga layunin na inihayag kahapon ng Ministro ng Integrasyon Andrea Riccardi sa isang audition sa Commission on Constitutional Affairs ng Chamber of Deputies.

“Ang mga banyagang manggagawa – ayon kay Riccardi – sa pagkakataong mawalan ng trabaho, ay maaaring manatili sa bansa upang makahanap ng bagong trabaho sa loob lamang ng 6 na buwan. Ako ay nagtungo sa lalawigan ng Caserta at naobserbahan ko ang pamlalambot ng mga migrante sa pagkawalang bisa ng kanilang mga permit to stay. “

“Kinakailangang maiwasan na ang kasalukuyang kalagayan sa ekonomiya ay maging hadlang sa integrasyon: dapat ay pahabain ang validity para sa paghahanap ng isang bagong trabaho ng hindi bababa sa isang taon. Ito ay aking pag-aaralan kasama ang Ministro ng Interior. “Kung hindi, babala ng ministro, ay maaaring mawala ang mga manggagawang integrated na”.

Nagsalita rin si Riccardi ukol sa reporma ng pagkamamamayan, na nakatuon sa ikalawang henerasyon at sinabing “napaka-napapanahon ang pagpapatuloy ng mga gawain, upang harapin ang bagay na ito”. Ang pamahalaan ay dapat lamang suportahan kung ano man ang magiging desisyon sa Parlyamento”, dagdag pa nito, kasabay ang paghahayag ng pagtatatag ng isang Komisyon sa kanyang ministeryo upang pag-aralan ang napakarami at makabuluhang mga panukala na nasa Parlyamento na.

“Kailangang mangibabaw ang ‘ius culturae’ – dagdag pa ng ministro – dahil ang mga kabataang ito ay lumaki sa ilalim ng kultura ng ating bansa, sa mga silid-aralan ay maraming mga kabataang dayuhan na hindi lamang nagsasalita sa wikang Italyano, kundi pati ng dialect.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Anti-Epal Bill, panukalang batas ni Senator Miriam Santiago

Fourth intercontinental study visit of Dossier Caritas/Migrantes in Manila