Ang bagong ministro para sa integrasyon, “Tama si Napolitano. National identity, ikabubuti ng bansa at ikabubuti rin ng mga kabataan ang mapabilang”
Rome – “Ang Pangulo na si Giorgio Napolitano ay tama:. isang pagkakataon upang pamahalaan ang pulitika sa imigrasyon. Samakatwid ay kailangang harapin ang batas ukol sa citizenship”.
Ang Ministro para sa International Cooperation and Integration, Andrea Riccardi, sa isang panayam sa ‘La Repubblika’, kung saan ipinaliwanag na “ang integration ay isang tema ng mga panahong ito. Haharapin namin ito, bilang interes at sa ikabubuti ng bansa, ng mga henerasyon ng mga kabataang migrante at ng kanilang mga pamilya. “
“Ang mga dayuhang ipinanganak sa Italya – dagdag pa ni Riccardi – ay higit sa kalahating milyon. At ang mga residenteng minors ay halos 1,000,000. Sa madaling salita, may parehong wika, pareho ang nakikitang mga landscapes, pareho ang kwento ng buhay, sila ay nakakabit sa ating mundo. Kung hindi dahil sa kanila, ang Italya ay magiging mas matanda ang popolasyon at may mas mababang pagkakataon sa pag-unlad. “
“Nakikita ko ang pagtatagpo sa proyektong ito, tulad ng mas malalaking desisyon sa pulitika, – pagtatapos ni Riccardi – National identity ang national interest. At interes din ito ng mga kabataan at ng kanilang mga pamilya, samakatwid ay sa ikabubuti ng lahat.