in

ROMA: 120,00 PERMIT TO STAY

Mga detalye mula sa Police Immigration Headquarters: 32,000 aplikasyon para sa mga babysitters at care givers. Improta: ‘pekeng recruitment, naglason sa aming sistema’

Sa taong 2010, sa Roma lamang ay nag-isyu ng 120,000 permit to stay sa kabuuang populasyon ng 350,000 dayuhan sa buong teritoryo.

Ito ang mga detalye na inihayag ngayong umaga ni Maurizio Improta, director ng Immigration Police Headquarters sa Roma, para sa isang iupdates ng mga gawain ng kanyang sinasakupan.

Bilang resulta ng amnestiyang ipinagkaloob noong 2009, may 32,000 mga aplikasyon para sa regolarisasyon ng mga domestic helper at caregivers, at dahil dito, ayon pa kay Improta, ay ganap na-antala ng isang mataas na porsyento ng mga ‘pekeng recruitment’ ang kanilang trabaho at naglason ng kanilang sistema.

Tungkol naman sa mga humihingi ng right of asylum, ay halos 2,500 ang permit to stay na iniusyu para sa motibong humanitarian . 2500 din ang mga kinilala sa mga nomad camp (campi nomadi) sa Roma kung saan inumpisahan papasukin ang mga bata sa paaralan.

Bilang bahagi ng pagtuligsa sa iligal na imigrasyon, ang order ng deportation ay higit sa 5500, habang ang mga pinatalsik na EC nationals ay umabot ng 3,000 at may 1,000 na pina deport matapos silang manatili sa sentro CPT (centri di permanenza temporanea).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

40 katao, nasawi dulot ng matinding pagbaha.

Italian Language exam, uumpisahan na!