Inaresto sa Roma dating abugado at mga kasabwat nito.
Nagpapanggap pa rin bilang abogado, pagkatapos ng pagkakatanggal nito sa listahan ng mga abugado, ang isa sa utak ng mga iligal na organisasyon sa pagbibigay ng mga permit to stay sa mga dayuhan, ginamit ang amnestiya para sa regolarisasyon ng mga colf at caregivers, na noon ay naaresto na ng mga ahente ng Ministry of Interior Police sa Roma . A. R., siang Romano 61, na madalas ay nagpapanggap bilang employer ng mga imigrante, kabilang dito ang kanyang pagpirma ng mga dokumento bilang abogado, ay inaresto kasama si O. S., isa ring Romano, 57.
Kasama ring inaresto ang apat na Bangladeshis, na ngayon ay naka house arrest, na may papel bilang tagapamagitan sa pagitan ng imigrante at ng dalawang lider; A. R. at O. S., na nagsasa-ayos at sumusubaybay diumano sa mga dokumentasyon sa pag-aaplay sa regularisasyon, ng housing permit, dokumentasyon para maging residente at pagkilala sa mga employer, at nagpapabayad sa mga dayuhan ng hanggang sa 5000.
Ang mga imigrante, na kadalasan ay hindi nakakakuha ng permitto stay, ngunit hindi nagre report sa mga kinauukulan dahil sa takot makatanggap ng order of deportation, sa halip ay nagbabayad na lamang ng hinihinging halagasa dalawa o tatlong installments. Ang survey ay nagsimula noong Enero 2010, matapos maghinala ang mga ahente ng pulis sa isang irregular form na isinumite sa isang himpilan ng pulis. Ginanap ang raids ng mga ahente ng pulis ng Ministry of Interior, ay kinumpiska rin ang maraming mga dokumento na ginamit tulad ng ‘cessione fabbricati’, upang simulan ang regularisasyon.
Ang organisasyon ay nakapag-bigay ng permit to saty sa halos 200 mga imigrante, karamihan ang mga Bangladeshis, mga Egyptians, Pakistanis at Indians. Napag-alamn din na sa ilang mga kaso ang mga nagpanggap na employer para sa regularisasyon ng mga dayuhan ay pawing mga patay na. Tinatayang aabot sa halos 70 ang mga suspek bilang mga pekeng employer, tagapamagitan at iba pang mga ksabwat sa raket.