442,000 dayuhang residente, 80,000 ang mga minors. Ang pinaka makabuluhang paglago ay sa mga probinsya ng Roma. Ang mga datos ng VIII Osservatorio Romano sulle Migrazioni. Narito ang buod.
Rome – Ang lalawigan ng Roma bilang pangunahing lugar ng migrasyon sa Italya: sa katunayan, mayroong 442,818 residenteng dayuhan, 9.2% higit sa taong 2009. Sa pagitan ng 2001 at 2010, ang mga dayuhang residente sa Rome ay nadoble (345,747), sa kalapit bayan o probinsya naman ay naging tatlong doble. Mula Enero 1, 2011 ay mayroong 542,688 dayuhang residente sa rehiyon ng Lazio at ang 81, 6% ay naninirahan sa lalawigan ng Roma.
Ito ang mga datos para sa taong 2010 sa Ikawalong ulat ng Osservatorio Romano sulle Migrazioni sa pamamagitan ng Caritas Roma, Provincia di Roma, Chamber of Commerce ng Roma.
Ang Romanians ay kumpirmadong nangungunang komunidad na may higit sa 153,000 residente, 34.7% ng populasyon ng mga dayuhan, limang doble sa bilang ng mga Filipino(humigit kumulang sa 30,000). Sinusundan ang listahan ng mga Polish na may higit sa 20,000, ang mga Bangladeshis naman (higit sa 15,000), Ukrainians, Albanians at Peruvians (bawat komunidad ay may higit na 14,000). Kabilang sa ibang kamakailang komunidad, ang mga Intsik (na may higit sa 13,000) at Moldovans (mas higit sa 10,000).
Ang mga minors na may foreign citizenship ay 80,089, ang second-generation 51,000. Ang mga ipinanganak sa Provincia di Roma sa taong 2010 ay 5802, samantala 3.610 ang mga ipinanganak sa city of Rome. Sa mga paaralan ng Provincia ay mayroong 52,249 mga mag-aaral-aaral na mga dayuhan, ang 8, 8% ng kabuuang bilang. Ang mga mag-aaral sa unibersidad ay 9449 na sumasaklaw sa 4.1%. Ang nagkaroon ng Italian citizenship ay 5149 sa Regione Lazio kung saan ang 4066 ay sa Provincia.
Sa trabaho, ang mga mayroong hanapbuhay sa Provincia ay 235,000 – 24,300 naman ang naghahanap ng trabaho, 9.4%. naman ang mga nawalan ng trabaho. Ang kumpanyang pag-aari ng mga dayuhan ay 22,508.
Ang 71.5% ng mga dayuhan ay matatagpuan sa sektor ng serbisyo, 25.4% sa industriya at 3.1% sa agrikultura. Mataas ang bilang ng mga dayuhan sa konstruksyon, 19.5% (6.5% lamang ang mga Italians) at sa mga serbisyong ng pangangalaga at mga serbisyong panlipunan (44.8% kumpara sa 25.2% ng mga Italians). Ayon sa INPS archives, nasa sektor na ito ang higit sa one third ng mga insured na migrante (35.7%) kumpara sa national average na 17.6%.
Ang unang lalawigan sa popolasyon ng mga dayuhan matapos ang kabisera, ay ang Guidonia Montecelio na mayroong 9323 nakatalang dayuhan, 8066 residente sa Fiumicino, Ladispoli at Pomezia (higit sa 7000), Tivoli at Anzio (higit sa 6500), Ardea, Fontenuova at Velletri (higit sa 4700), Monterotondo, Albano Laziale, Nettuno, Marino at Cerveteri (higit sa 3000).
Kung relihiyon ang pag-uusapan, ang mga dayuhan sa Roma ang 71.9% ay mga Kristiyano, (38.6% Orthodox, 26.6% Katoliko, Protestante 5.8% at 0.9% ibang mga Kristiyano), ang 16, 9% ay mga Muslim at ang natitira ay ang ibang paniniwala.