Ito ay ayon sa ulat ng tanggapan sa Questura di Roma (Immigration Police District). Sa probinsya ng Lazio, ang mga lalawigan kung saan matatagpuan ang mga dayuhan ay ang Anzio, Guidonia at Ladispoli. Umaabot sa apatnapung permit to stay ang ipinagkakaloob sa mga dayuhan bawat araw.
Rome – Tinatayang 300,000 ang mga imigrante na nakatira sa Roma at sa ibang lalawigan nito. Dalawang daang-libo ang mga regular at 90,000 naman ang naghihintay ng renewal ng kanilang permit to stay. Humigit sa isang daang-libo rin ang mga Romanians.
Ang bilang naman na iniulat ng Immigration Police Headquarter sa Roma ay 186,000. Ang pinaka malaking komunidad ay ang mga Pilipino, na sinundan ng mga Ukrainians at mga Bengali.
Kabilang sa mga munisipalidad sa lalawigan na mayroong pinakamaraming bilang ng mga imigrante, ay ang Anzio (2,500), ang Guidonia (2,075), ang Ladispoli (1,600) at Monterotondo (1,200).
Ang mga kababaihan ay may bilang na 118,459 at 96,541 naman ang mga kalalakihan sa kabuuang 215,000 mga imigrante. Ang mga permit to stay na ipinagkaloob ng Questura sa loob lamang ng sampung buwan ay umabot ng 188,000 at umabot naman ng halos 7000 ang nakatanggap ng order of expulsion na hindi sumusunod sa mga patakaran upang manatili sa bansa.
Permit to Stay: “Ang mga aplikasyon ay isinusumite sa mga post office at lumilipas ang 7 hanggang 10 araw bago ang aplikasyon ay dumating sa aming tanggapn” – paliwanag ni Maurizio Improta, ang direktor ng Rome Immigration Police Headquarters. Halos umaabot rin ng 45 araw upang makakuha ng permit to stay”.