in

Rossi: “Ang sinumang ipinanganak sa Italya ay Italyano”

Ang panawagan ni Ginoong Enrico Rossi, ang Presidente ng Toscana Region ay muling buksan ang proposal tungkol sa pagbibigay ng immediate citizenship sa mga batang ipinanganak sa Italya. “Whoever is born in Italy is an Italian”, ang pahayag ni Rossi.

Ayon pa sa kaniya, kung ang mga batang ito ay magiging italyano, malaking tulong ito sa paglutas ng mga suliraning may kinalaman sa karapatang magkaroon ng italian citizenship.

Dagdag pa ni Rossi, ang bilang ng mga batang ipinanganak sa Toscana bawat taon ay halos 33,000 at 8,000 sa mga ito ay anak ng mga dayuhan.

Ayon sa balita ni Stephen Ogongo ng Stranieri in Italia, hindi dapat kalimutan na ang mga dayuhan sa Toscana ay nagbabayad ng buwis mula sa pahayag ni Rossi. May 915 million euros ang buwis na kontribusyon ng dayuhan at may 315 million euros naman ang napupunta sa mga serbisyo.

Ipinangako ni Mr. Rossi na gagawin niya ang lahat upang pakinggan ng gobyerno ang kaniyang panawagan upang aprubahan ang batas na nabanggit.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patuloy ang Himala – El Shaddai DWXI PPFI Rome Chapter 18 taon na!

“Walang linaw ang integrasyon ng mga migrante sa bansa”