in

Sa Roma may bagong anim na “sportelli” para sa residensya

Sinisikap ng Munisipyo na bawasan ang problema ng mga communitarians at mga dayuhan. Hindi na umano kailangan ang appointment. 

Roma – August 2, 2010 – May anim na bagong sportelli ang bubuksan sa Roma upang mag-process ng aplikasyon para sa residensya ng mga mamamayang kasapi sa European Union at extraue (dayuhan). Maglalagay umano ang task force upang pabilisin ang proseso.

Ito ang magiging kasagutan ng Municipality sa lumalalang kalagayan ng mga aplikanteng dayuhan upang magparesidensya. Tulad sa 19th Municipality sa Roma, kailangan pang magrequest ng appointment upang magparesidensya at kung mag-aaplay ngayon, ang ibibigay na appointment umano’y sa Nobyembre at walang resibo na ibibigay ang munisipyo.

Mula sa araw na ito, maaari nang magpunta ng direkta sa “anagrafe centrale” sa Via Petroselli 50 ang mga dayuhang naninirahan sa mga munisipyong may pinakamaraming bilang ng nagpaparehistro. Sa “anagrafe centrale” o registry office ay nagbukas ng anim na “sportelli” at bukas ito para sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes, magmula sa oras na 8:30 ng umaga hanggang 12:30, sa araw ng Huwebes ay mula 8:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon.

“Lumulubha ang kalagayan ng registry office sa ilang tanggapan ng Munisipyo. Ang sitwasyong ito sa Roma ay hindi natin pwedeng ipagwalang bahala. Isang Capital na may international level tulad ng ating bayan ay hindi dapat magpabaya nang ganito sa mga dayuhan lalo’t higit sa mga mamamayang mula sa Schengen countries na may pantay na karapatan at responsibilidad tulad ng mga italyano” – ang pahayag ng Mayor sa Roma na si Gianni Alemanno.  

Ayon pa kay Alemanno, ang sportelli sa Via Petroselli at tatanggap ng application for residence kahit walang appointment. Dito’y aalamin agad ang mga kailangang dokumento sa pagpaparesidensya. Sa ganitong paraan, ang 200 applications for registry bawat linggo ay posibleng maisagawa ng maayos at 10 beses na mabilis sa taong 2010 sa !8th Municipality. (Liza Bueno Magsino)


 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Unang batch ng basic seminar on entrepreneurship ng DTI, matagumpay

Deklarasyon sa paninirahan sapat na!