in

Sagot sa aplikasyon ng ricongiungimento familiare, sa loob lamang sa 90 araw sa Roma!

Isang taon at kalahati ang panahong kinakailangan para sa petisyon o ricongiungimento familiare. Mga Sportello Unico, natabunan ng direct hire, regularization, italian language test at training courses. Malapit na ring ipatupad ang ‘accordo di integrazione’, malapit na rin ang expiration ng kontrata ng mga employee ng nasabing tanggapan. Isang panayam sa direktor ng Sportello Unico na si Ferdinand Santoriello.

altRome – “Mayroong halos limang libong ricongiungimento familiare ang aming tanggapan sa bawat taon. Ngunit sa ngayon, ang pagitan ng request at pagbibigay ng clearance o nulla osta ay siyamnapung araw na lamang. “

Ferdinand Santoriello, tagapamahala ng Sportello Unico for Immigration sa Roma, ipinagmamalaki ang isa sa mga resulta ng trabaho ng kanyang tanggapan. Isang reaksyong tanggap ng publiko  kung iisiping noong nakaraang dalawang taon, sa pagtanggap ng posisyong ito, ay kinakailangan ang isang taon at kalahati upang magkasama sama ang isang pamilya.

“Salamat sa isang pagbabago sa mga trabaho at sa mga pamamaraan, kasama na rin ang isang malakas na digitalization” ayon pa vice-prefect. “Para sa ricongiungimento familiare  halimbawa, sa unang appointment pa lamang ng mga aplikante ay amin ng sinusuri ang mga requirements at kung ayos ang lahat ay ibinibigay na namin ang nulla osta. May computerised protocol at pagkatapos ay ini-scan ang lahat ng mga dokumento upang magkaroon ng electronic file. “

Kahit ang mainit na dokumentasyon ng regularization ay tila lumamig na rin sa ngayon. “Mayroon kaming 33,000 na request  at isang libo na lamang ang natitira. Ang mga ito ay mayroong mga problema, halimbawa, nasa ilalim ng mga pagsisiyasat upang higit pang makilala ang mga sitwasyon, at ang ilan naman ay inumpisahan ang mga paglilitis sa mga may krimen at natural na may mga apila pa rin”.

Samantala patuloy ang pagsasa-ayos sa direct hiring. Sa Roma, ay mayroong halos 30,000 mga aplikasyon, ngunit 12,000 lamang ang dapat tanggapin. Ang Sportello Unico ay naglabas na ng 8000, habang ang natitirang 4000 ay naghihintay ng mga karagdagang dokumentasyon. Kailan ito matapos? “Sa susunod na autumn”, sagot naman ng tagapamahala ng Sportello Unico.

Si Santoriello at ang kanyang mga tanggapan ay nagsasaayos din ng mga schedule para sa italian language test na ngayon ay kinakailangan para sa mga nagnanais ng long term residence permit o carta di soggiorno. “Ngayong taong ito, kami ay nag-organisa ng 200 sessions para sa 8000 mga katao sa tatlumpung mga CTP. Ang schedule na naitala ay bago pa man ang animnapung araw na inilalaan ng batas, sa Italya tayo ay isa sa mga lugar na maraming nai-schedule sa maigsing panahon”, pagga-garantiya pa nito.

Noong nakaraang taon, sa paggamit ng European fund, ang Sportello Unico ay nag-organisa rin ng mga kurso ng pagsasanay ukol sa batas ng migrasyon at mga pamamaraan nito. “Ito ay nagpahintulot upang gawing propesyonal ang maraming mga migrante, may mga lectures at workshop sa amin. Sa ngayon marami sa kanila ang nagtatrabaho sa mga agencies para sa mga dayuhan, sa mga CAF at mga patronati. “

Ang pagpopondo mula sa Brussels ay natapos na, ngunit uulitin muli sa taong ito ang mga kurso ng pagsasanay salamat sa isang pakikipagtulungan ng Popular University of Rome. Ang Sportello Unico sa katunayan ay ang scientific-partner sa isang kurso sa “cultural mediation” kung saan ay magkakaroon ng mga lectures at pagsasanay sa sektor. “Ito ay isang formation, ngunit ang mga karanasan sa aming tanggapan ay nagagawa ding bawasan ang distansya sa pagitan ng mga institusyon at mamamayan, upang maunawaan kung paano kami kumikilos, upang mabawasan ang balakid at makahanap ng solusyon.”

Maraming kakailanganing mga solusyon, lalo na sa nalalapit na pagpapatupad sa “accordo di integrazione”.Sa lalong madaling panahon, ang Sportello Unico ay magpapaliwanag at papipirmahan ang Kasunduan sa lahat ng mga bagong dadating (hanggang isang daan bawat araw) at pagkatapos, makalipas ang dalawang buwan, ay tatanggapin ang mga ito para sa isang mini-kurso sa sibika at kultura.

“Ang mahirap – pagtanggap pa nito- ay ang pagsapit ng ikalawang taon matapos ang pagpasok ng migrante, kapag dapat malaman kung ang migrante ay naabot ang layunin ng kasunduan, ang valutation ng lahat ng mga aspeto upang dagdagan o bawasan ang mga points ng mga ito. Hindi kabilang dito ang pagsisikap na kakailanganin sa pantay pantay na pamantayan na isasaalang-alang ng mga operators na hahawak dito.

Ang resulta ng hamon ay nakasalalay sa tauhan na hahawak. Si Santoriello ngayon, bukod sa mga cultural mediators at interns, ay mayroong tatlumpung mga kasama.”Kami ay halos eksklusibong tumatanggap lamang sa pamamagitan ng appointments at napapanatiling bukas ang 14 na tanggapan  magmula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon. Kung mababawasan ang employee ay mababawasan ang window na bukas at babagal din ang mga trabaho na sya namang magpapahaba sa panahon upang matapos namin ang bawat dokumentasyon.”

Isang sitwasyong makatotohanan, dahil kahit sa Rome ang mga empleyado na mayroong permanent contract ay bihira lamang, halos sasampu. Ang iba ay lahat walang tiyak na kontrata (precari), at mga pansamantalang manggagawa at matatapos ang kontrata sa katapusan ng Disyembre. Nalalapit  na ang pagsapit ng petsa at nararamdaman na ang katahimikan ng gobyerno, sa isang klimang patuloy na dilusyon sa pagbabawas o pagtatanggal ng pondo.

“Ang mga ito ay mga kabataang nagtatrabaho sa amin ilang taon na, ganap na alam ang kanilang gawain at may malalim na kaalaman sa mga pamamaraan at computer system. Sila ang katigasan ng Sportello Unico”,sabi pa ni Santoriello. At ito ay malinaw na ang ang kawalan nila, ang Sportello Unico for Immigration sa Roma, na sa wakas ay umaandar ng mahusay maaaring muli ay huminto sa naumpisahang maayos na takbo nito.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magmadali, mayroon pang ilang bilang sa mga unibersidad para sa mga mag-aaral na dayuhan.

Apat na medalya inuwi ng mga Pinoy sa Sci-Olimpiad sa Italya