in

Sakay ng lumubog na barko, higit sa 700 migrante

Malupit na kamatayan ng mga migrante sa Sicilian Channel, 70 milya mula sa Libya. “Marami ang ikinulong sa ibabang bahagi ng barko upang hindi makalabas”, ayon sa isang nakaligtas.

 

 


Palermo, Abril 20, 2015 – Ang mga naging kaganapan noong nakaraang gabi sa Sicilian Channel ay marahil ang pinaka malalang trahedyang nangyari sa kasaysayan ng imigrasyon sa Mediterranean. Hanggang sa kasalukuyan, tinatayang 28 lamang ang nakaligtas at 24 naman ang mga nakuhang bangkay at aabot higit sa 700 ang mga namatay sa tumuwad na barko, 70 milya ang layo sa hilagang baybayin ng Libya.

Ang bilang na ito ay batay sa kwento ng ilang nakaligtas, na maaaring mapalitan marahil dahil sa kawalan ng pagbabatayan. “Kami ay 950 sa loob ng barko, mayroong 40 – 50 mga menor at halos 200 kababaihan”, ayon sa isa ring nakaligtas, isang Bangladeshi at kasalukuyang nasa ospital ng Catania. “Marami – dagdag na ng lalaki – ang ikinulong sa ibabang bahagi ng barko. Isinara ang pinto ng mga human trafficers para hindi sila makalabas”.

Isang tawag sa telepono mula sa isang satellite ang nagbigay alarma nang isang barkong puno ng mga migrante. Noong nakarating sa lugar ang Portuguese merchant King Jacob, kasama ang ilan pang barko upang tumulong, maaaring ang takot o ang paniko ng mga nakasakay sa barko, na nagpuntahan sa isang bahagi nito, ang naging sanhi ng pagtagilid ng barko, pagkatapos ay ang pagtaob at tuluyang paglubog nito.

Buong araw na sinikap mailigtas ang karamihan mula sa dagat. Sa operasyon na pinamunuan ng Coast Guard National Center Relief, kung saan tumulong din ang 17 navy ships, ang Guardia di Finanza at Frontex at sa Malta naman ay ipinadala ang ilang rescue na sasakyang-dagat at iba't-ibang mga sasakyang panghimpapawid at nagtutulong tulong at pinipilit na hanapin ang mga nakaligtas.

Tulad ng palaging nangyayari, sa barko ay mayroong nagbuhat sa Algeria, Egypt, Somalia, Eritrea, Nigeria, Senegal, Mali, Zambia, Bangladesh, Ghana. Ang mga bangkay ay isinakay ng barkong Gregoretti ng Coast Guard. Sa Procura ng Catania naman ay ginagawa ang files ukol sa naging paglubog ng barko.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pre-enrollment sa mga unibersidad, tinatanggap na ng mga Embahada

Mag-aaral, paano magpapatala sa SSN?