in

Sanatoria 2020, fake news!

Kasabay ng mainit na tema ukol sa hangaring tanggalin ang Decreti di Sicurezza ay patuloy ang pagkalat ng maling balita ukol sa Sanatoria na kilala rin bilang Regularization o Emersione.

Isang fake news na naghahasik ng false hope sa libu-libong undocumented sa bansa na handang gawin ang lahat upang magkaroon ng pinapangarap na permesso di soggiorno. 

Ito ay isang maling balita na kumakalat matapos kumpirmahin ng Viminale ang hangad ng gobyerno na suriin at pag-aralan ang isang  ‘provvedimento straordinario’  na magbibigay posibilidad na gawing regular ang mga undocumented na nasa Italya na, sa pagkakaroon ng mga ito ng trabaho. 

Ngunit sa sinumang sinusubaybayan ang mahahalagang balita ukol sa migrasyon partikular ang hangarin ni kasalukuyang Minister of Interior Luciana Lamorgese sa isang panayam, pangunahing layunin ay ang tanggalin at baguhin ang mga Decreti Sicurezza.  

Bagaman ang Sanatoria ay pag-asa na inaasam ng marami, ito ay nananatiling isang hangarin pa lamang sa kasalukuyan at hindi pa isang batas tulad ng ibinabalita ng ilan.

Partikular, ang pagkalat ng balita via whatsapp, ayon sa ulat ng la Repubblika, na nagbibigay ng kit postale at mga form ukol sa releasing ng permit to stay kasabay ang pagbibigay ng kontribusyon mula € 50 hanggang € 700. Huwag magbitaw ng anumang halaga dahil ito ay isang paraan ng panloloko lamang. 

Isang paalala sa lahat ng mga undocumented, na sanhi ng maling balita ay pumipila na sa mga uffici stranieri ng mga Questure at Prefetture sa pag-aakalang magiging regular. Sa halip sila ay nanganganib lamang na makatanggap ng order of expulsion o voluntary repatriation imbes na mag-uwi ng permit to stay.

Inaanyayahan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga opisyal na website ng gobyerno at huwag maniwala sa bulung-bulungan lamang lalong higit, huwag magbibitaw ng anumang halaga kahit kanino hangga’t walang probisyon ang kasalukuyang gobyerno ukol sa Sanatoria!

Ang Ako ay Pilipino ay nananatiling nakatutok sa napapanahong temang ito (ni: PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tulong Taal Concert, ginanap sa Genova

Progetto Cicogna ng Questura di Cremona, para sa mga dayuhang nagdadalang-tao