in

Sanatoria, isang fake news!

Kasabay ng mainit na tema ng Decreto Salvini ay patuloy rin ang  kumakalat na balita ukol sa sanatoria  na kilala rin bilang regularizzazione o emersione. Ito ay isang fake news na naghahasik lamang ng false hope sa nakakarami.

Ito ay  isang maling balita na kumalat simula buwan ng Hulyo at sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagkalat at parami ng parami na rin ang napapaniwala.

Ngunit sa sinumang sinusubaybayan ang mahahalagang balita ukol sa migrasyon pati na rin ang mga pagbabagong hatid ng kasalukuyang administrasyon, ito ay tumutukoy sa isang fake news na naghahasik lamang ng false hope dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala sa programa ng gobyerno ang pagbibigay ng sanatoria na magpapahintulot na maging regular ang libu-libong undocumented sa bansa.

Ito ay isang pag-asa na inaasam ng marami na hindi nilalaman ng Decreto Legge na inaprubahan ng Council of Ministers at naghihintay ng pagsasabatas nito.

Sa kabila nito, isang paalala sa lahat ng mga irregulars o undocumented, na sanhi ng bali-balita ay pumipila na sa mga uffici stranieri ng mga Questure at Prefetture sa pag-aakalang magiging regular. Sa halip ay nanganganib lamang na makatanggap ng order of expulsion o voluntary repatriation imbes na mag-uwi ng permit to stay.

Kaugnay nito, ang Dectero Flussi 2018 (hanggang Disyembre 2018) ay tumutukoy partikular sa seasonal job at HINDI tumutukoy sa regularization o sanatoria ng mga undocumented at hindi rin tumutukoy sa direct hiring ng mga Pilipino sa domestic job. 

Sa katunayan, kahilingan ng maraming mga asosasyon ang maging maingat sa mga paniniwalaang balita, huwag magbibigay ng anumang halaga kaninuman kapalit umano ang pagiging regular at manatiling nakatutok sa mga opisyal na website, telebisyon, radyo at mga mapagkakatiwalaang online news ukol sa imigrasyon.

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Maling diskarte ng mga Ofws sa pera, narito ang ilan

Babala ng Inps ukol sa scam