in

Sanatoria – Nob 16, deadling ng mga kumpanya sa pagbabayad ng arretrate

Ang mga kumpanya ay kailangang bayaran ang anim na buwang witholding tax (ritenute fiscali) sa sahod ng mga workers. Hindi sakop nito ang mga employers ng domestic workers.  

Roma – Nob 15, 2012 – Sumapit na ang mapait na deadline para sa mga kumpanya na sa pagitan ng Sept 15 hanggang Oct 15 ay nagsumite ng mga aplikasyon para sa regularization (sanatoria) ng mga irregular workers.

Hanggang Nov. 16 ay kailangang bayaran ang Irpef sa nagdaang (arretrati) anim na buwan (May – Oct). Ito ay isa sa mga requirements na nasasaad sa legislative decree 209/2012 na nagbigay-daan sa regularization at isa sa mga naging hadlang sa tagumpay ng nasabing operasyon.

Hindi nasasakop nito ang mga employers ng mga domestic workers, na hindi kumakatawan bilang withholding agent (sostituto d’imposta) ay hindi dapat magbayad ng withholding tax. Ito ay para sa mga kumpanya na nagsumite ng aplikasyon para sa regularization ng mga subordinate workers, tulad ng mababasa sa final report ng Ministry of Interiro – report conclusivo pubblicato dal ministero dell’Interno, na higit sa 18,000 application.

Ipinapaalala na ang pagbabayad ng nagdaang buwis (tasse arrestrate), tulad ng mga sahod at social contributions, ay isang mahalagang hakbang sa regularization. Sa pagsapit ng appointment sa Sportello Unico, kasama ang worker, ang employer ay dapat gumawa ng self-certification sa paghahayag na ang mga ito ay nabayaran ng wasto, kung hindi ay maaaring mapatawan ng multa at hindi maipagkaloob ang permit to stay sa worker.  

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga nominado sa 2012 Asian TV Awards

Mula shop ng mga bisikleta hanggang sa typical restaurant, 400 ideya para sa Start it up