in

Sanatoria tapos na, sisimulan na ang mas mabigat na mga parusa

Ang mga employer na hindi nag-file ng application para sa regularization ay nanganganib ngayon ng mga parusa na isinasaad sa D. Lgsl. 109/2012. Ang permit to stay ay ipagkakaloob din sa sinumang sumailalim sa matinding exploitation na naghabla laban sa employer.

Roma – Oktubre 17, 2012 – Ang mga nakapasok sa regularization ay makakaligtas. Ngunit simula kahapon ang mga pamilya at mga kumpanya na hindi sinamantala ang pagkakatong ipinagkaloob ng regularization ay nanganganib ng mga matinding parusa.

Una sa lahat, ayon sa Act Immigration ng bansa, ay nasasaad na ang mga manggagawa ay maaaring mapatalsik, habang ang mga employer "ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo mula anim na buwan hanggang tatlong taon at mapait na multa ng 5000 € para sa bawat manggagawang hindi regular. "

Ang Ministry of Labor ay magsasagawa ng "sapat at epektibong mga pagko-kontrol" sa mga sektor na mataas ang panganib at iuulat ang mga resulta taun-taon sa European Commission. Kapag natuklasan ang irregular employment, maliban na lamang kung ito ay hindi mapapatunayan, na maaaring magtagal ng "hindi bababa sa tatlong buwan" upang makalkula ang dipirensya sa sahod, ang buwis at ang mga di-nabayarang kontribusyon na babayaran sa employer.

Nasasaad din ang paglubha ng kaso sa anumang partikular na pananamantala sa mga undocumented.

Ang mga parusa ay tumataas ng one-third hanggang sa kalahati kung ang mga irregular workers ay higit sa tatlo, kung mas bata sa edad na itinakda para magtrabaho, o kung sumasailalim sa “kondisyon ng matinding panganib”, at isasaalang-alang ang mga “katangian, uri at kundisyon sa trabaho”. Sa mga kumpanya naman ay ilalapat din ang mga administrative sanctions mula 100 hanggang 200 units, na maaaring umabot sa 150,000 euros.

Sa mga kaso lamang ng malubhang pananamantala sa trabaho, sa pamamagitan ng isang panukala o aprubasyon ng procura, kung ang worker ay magha-habla sa employer, at makikipagtulungan sa panahon ng kaso ay maaaring pagkalooban ng humanitarian permit to stay. Anim, na buwan ang validity at maaaring i-renew ng isang taon o higit pa hanggang sa matapos ang proseso, ngunit maaari ring i-convert sa trabaho kung ang worker ay magkakaroon ng regular employment.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

1st Europe-wide Conference of Overseas Filipinos Ends with a Global D2D Declaration of Commitment in Rome

“Hindi isang flop, binigyan ng karangalan ang 135,000 imigrante” – Riccardi